(Kabacan,
North Cotabato/May 2, 2012) ---Simula kahapon ay ginagamit na ng Cotabato
Electric Cooperative o Cotelco ang kanilang bagong kontrata na 28megawatts mula
sa NPC-PSALM, dahilan kung bakit bumaba na ng limang oras ang mararanasan na
power interruption sa mga service area ng kooperatiba.
Ito
ang sinabi ngayong hapon ni Cotelco spokesperson Vincent Lore Baguio kasabay na
rin ng pagpapalabas nila ng bagong schedule ng load curtailment.
Aniya
mula sa walo hanggang siyam na oras na rotational brown-out na ipinapatupad
kada araw sa mga service erya nila, bababa na ito ngayon ng limang oras.
Simula
kasi April 19 ay naranasan ng mga konsumedures sa North Cotabato ang mahabang
black-out matapos mag patupad ng preventive maintenece ang Pulangi Hydro Power
Plant IV dahilan kung bakit umabot na lamang sa 15megawatts ang supply na
nakukuha ng cotelco mula sa National Grid Corporation of the Philippines o
NGCP.
Umaasa
naman si Cotelco General Manager Godofredo Homez na madadagdagan pa ng 8
megawatts ang kakulangan sa supply ng kuryente mula sa Therma Marine
Incorporated upang kung di man tuluyang mawala ay maibsan ang napakahabang
power interruption sa mga service area ang cotelco. (RB ng Bayan)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento