(Kabacan,
North Cotabato/April 30, 2012) ---Sinabi ni Cotelco OIC General Manager Engr.
Godofredo Homez na nakasentro sana ang gagawing kilos protesta nitong Biyernes
ng mga lokal na opisyal ng North Cotabato at mga power consumers ang panawagan
na ibigay ang direktang 25% load dispatch mula sa Mt. Apo Geothermal Power
plant sa Cotelco.
Ito
kasi ang nakasaad sa batas na ER-94 na dapat ay may dalawampu’t limang
porsientong load dispatch ang host community kagaya ng cotelco na direktang
kukuha ng power supply mula sa Mt. Apo Geothermal Plant sa tuwing dadanasin ang
power crisis, na di naman naipapatupad sa ngayon.
Dahil
dito, magsasagawa sana ng malawakang pagkalampag ang mga lokal na opisyal ng
North Cotabato na agad namang kinansela makaraang pakiusapan ni Interior and
Local Government Secretary Jesse Robredo ang mga conveners ng naturang protest
move.
Sa halip, ayon kay Mayor
Rodolfo Gantuangco, ay pupulungin na lamang ni Robredo ang mga namumuno sa
ansabing kilos protesta.
Bibista raw ang
kalihim ngayong Huwebes.
Nakatakda sanang
ilunsad ng grupong, NAPIKON SA BROWNOUT o Nagkakaisang Pinoy Kontra sa Brownout
na pinamumunuan ni City Administrator Rodolfo Cabiles, Jr., ang caravan at
rally, bilang pagpapakita ng kanilang pagkadismaya sa tila walang solusyon sa
krisis sa kuryente na nararanasan ng taga-North Cotabato.
Dahil sa
postponement, marami sa mga mamamayan ng North Cotabato ang nadismaya.
Ito
na raw sana ang pagkakataon na maipakita sa buong Pilipinas at kay PNoy ang
tunay na sentimiento nila sa nagaganap na krisis sa kuryente na nagsimula noon
pang buwan ng Enero.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento