(Upi,
Maguindanao/May 3, 2012) ---Bumisita si Japan International Cooperation Agency
President Akihiko Tanaka sa bayan ng Upi, Maguindanao kahapon ng umaga.
Kasamang
bumisita ni President Tanaka ang ilan pang mga opisyales ng JICA, ilang
miyembro ng International Monitoring Team, ang Manager at ilan pang opisyal ng
ARMM Social Fund Project.
Layon
ng kanilang pagbisita na imonitor ang implementasyon at mga JICA projects sa
bayan ng Upi na kanilang ibinahagi nitong mga nakalipas na taon. Kabilang sa
mga JICA projects sa bayan ng Upi ang mga School buildings, Heavy Equipments,
Solar Drier at ang Goat raising project bilang suporta sa pagpapalaganap ng
Halal industry sa probinsiya ng Maguindanao.
Partikular
na binisita ng grupo ang School Building at Solar Drier sa Brgy. Blensong.
Naging
malugod naman ang ginawang pagtanggap ng mga opisyal ng bayan ng Upi sa
pangunguna ni Mayor Ramon Piang Sr., Vice Mayor Alexis Platon, SB members at
mga head of Offices.
Labis
ang pasasalamat ni Mayor Piang sa JICA dahil naging malaking tulong sa
pag-unlad ng Upi lalo na sa pagpapagawa ng mga kalsada, pagpapataas ng antas ng
edukasyon at sa mga magsasaka ang mga proyektong kanilang ibinahagi.
Sa
kanyang mensahe sinabi ni Pres. Tanaka na na-impress ito sa performance ng Upi
sa larangan ng magandang pamamahala kasabay ang pagtitiyak na magpapatuloy pa
ang kanilang tulong at suporta sa Bayan ng Upi sa pamamagitan ng
pakikipagtulungan ng iba’t-iba pang ahensiya. (Hannadi Guiamad)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento