Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Gawad Parangal ng Cotabato Police, isinagawa ngayong araw; Motorcycle theft incidents sa probinsiya ng North Cotabato; mas mataas kumpara sa kaparehong quarter ng nakaraang taon

(Amas, Kidapawan City/April 30, 2012) ---Sa kabila ng pagtaas ng kaso ng nakawan ng motorsiklo sa probinsiya ng North Cotabato, mas paiigtingin naman ngayon ng mga pulisya ang kanilang intelligence at monitoring sa mga lawless elements na sangkot sa nasabing pagnanakaw. 

Ayon kay P/SSupt. Cornelio Salinas, Cotabato Police Provincial Director tumaas ng 11 o katumbas ng 137.5% ang kaso ng nakawan ng motorsiklo sa North Cotabato kumpara sa nakaraang taon mula buwan ng Enero hanggang Marso.


Sinabi ng opisyal na nakapagtala sila ng walong insedente ng motorcycle theft sa iba’t-ibang lugar sa probinsiya noong nakaraang taon kungsaan abot naman sa 19 na kaso sa kasalukuyan ng kaparehong quarter.

Tinukoy pa ni Salinas ang lungsod ng Kidapawan at mga bayan ng Kabacan, Makilala, Magpet at Pigcawayan sa mga may mataas na kaso ng nakawan ng motorsiklo batay sa mga data na kanilang nakuha.

Sa mga nakaw na motorsiklo 12 dito narekober habang tatlong mga suspetsado naman ang nahuli, ayon sa Police Director.

Sinabi pa ni Salinas na karamihan sa mga krimen na naitala sa probinsiya ay rido o clan feuds ang dahilan.

Samantala, natanggap naman ng Arakan Municipal Police Station ang “Best in Intelligence Gathering,” “Best in Operations”, at “Best in Investigation, Detection, and Management System” kungsaan mismong si Arakan Chief Insp. Joefrey Todenio ang tumanggap ng nasabing parangal.

Ang gawad parangal sa hanay ng mga pulisya sa North Cotabato ay quarterly na iginagawad sa mga perfoming MPS sa North Cotabato.

Nakuha naman ng Antipas PNP ang “Best in Administration”; at Makilala PNP, “Best in Women, Children, and Protection Desk”.
Ginawaran naman ng “Special Awards” ang Kidapawan City PNP habang ang police station sa Midsayap ay tumanggap naman ng “Best of the Best Police Station” at “Best in Community Relations”.

Tumanggap naman ng cash incentives, office supplies, at equipment ang mga himpilan ng pulisya na ginawaran ng parangal na nagkakahalaga ng P120 thousand mula sa tanggapan ni Cotabato Governor Lala Talinio-Mendoza. (Rhodz Benez)  

0 comments:

Mag-post ng isang Komento