(Kidapawan City/April
28, 2012) ---Sinampahan ng kasong sibil ng isang mataas na opisyal sa Kidapawan
City ang National Power Corporation (NPC), kasama na ang iba pang ahensiya ng
gubyerno, para ma-obliga ang mga ito na ibigay sa lungsod ang 25 porsiento ng
kuryente na sinu-suplay ng dalawang mga geothermal power plants sa Mount Apo na
pag-aari ng Energy Development Corporation o EDC.
Dumating sa
opisina ng Clerk of Court si Kidapawan City Vice-Mayor Joseph Evangelista,
kasama ang dalawa nito’ng mga abogado, para isampa ang, “Mandamus with
Prayer for Issuance of a Writ of Preliminary Injunction and Damages.”
Nitong hapon ng Biyernes.
Maliban sa
NPC, isinama rin sa kinasuhan ang Power Sector Assets Liabilities and
Management (PSALM) Corporation, Department of Energy, at ang EDC.
Nilinaw ni
Evangelista na ang pagsasampa niya ng kaso ay hindi bilang isang opisyal ng
city government kundi bilang isang taxpayer at power consumer -- na tulad ng
marami ay naaburido na sa nararanasang matinding krisis sa kuryente.
Ang brownout sa North Cotabato ay tumatagal ng
mula walo hanggang siyam na oras kada araw.
Ayon kay
Evangelista, ang igigiit nila ay ang mabigyan ng direktang suplay ng kuryente
ang Paco sub-station ng Cotabato Electric Cooperative (Cotelco) na nasa
Barangay Paco ng lungsod na konektado sa 69KV transmission line na nagmumula sa
Mount Apo geothermal power plants.
ANG
PAGSASAMPA NG CIVIL CASE kontra
sa ilang opisyal ng power industry ay pangalawa na, simula taong 2010 – nang
naranasan din sa lalawigan at sa iba pang bahagi ng Mindanao ang matinding
krisis sa enerhiya.
Ito ang kaso
na isinampa noon ni dating Cotabato Governor Jesus Sacdalan na matagal ding
nabinbin sa sala ng Regional Trial Court (RTC) branch 23.
Pagkatapos
natulog nang halos tatlong taon, ngayong May 18 uli itinakda ng korte ang
pagdinig sa kaso.
Pero nilinaw
ni Atty. Cromwell Rabaya, isa sa mga abogado ni Vice-Mayor Evangelista, na ang
isinampa nilang kaso ay kaiba raw sa civil case na isinampa noong 2010 ni
Sacdalan.
Sa kaso raw na kanilang isinampa,
maliwanag na ang hinihingi nila ay ang masiguro may kuryente na dadaloy sa mga
sub-stations ng Cotelco patungo sa linya ng kuryente sa mga bahay-bahay,
establisiemento, at iba pang facility sa Kidapawan City at service area ng
kooperatiba, mula sa mga planta ng geothermal ng EDC.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento