Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Akusado sa illegal number games, pinawalang sala ng hukom


(Kabacan, North cotabato/April 27, 2012) ---Pinawalang sala ng hukuman si Akmad Guialani kasama ang tatlong babae at isa dito ay minor de edad matapos di mapatunayan ng mga taga-usig ang conspiracy angle o kasabwat siya sa mga nagpapataya ng last two sa Kabacan.

Hinuli kasi si Akmad kasama ang tatlo ng National Bureau of Investigation, Central Mindanao Office (CEMRO) sa pangunguna ni Rizaldy Rivera dahil sa hinihinalang “look out” at nakikipag-usap sa isang tao sa kanyang turn-way hand held radio at nakatayo sa  malapit sa booth ng “last two” o betting station noong February 2, 2010 sa Kabacan, Cotabato.

Si Guialani na isang public guard sa Kabacan Public Market, kasama ang dalawang babae ay kinasuhan ng paglabag sa section 2 ng RA 9287 o mas kilala sa tawag na illegal number games.

Habang ang dalawang babae ay hinatulan ng korte ng multa na P2,000.00 dahil sa pag amin ng lower offense ng violation ng PD 1602 noong February 25, 2010.

Subalit dahil sa hindi napatunayan ng mga taga-usig ang conspiracy angle o pakikipagsabwatan, pinawalang sala ni Judge Laureano Alzate ng RTC Branch 22 si Akmad Guialani.

Samantala,  pinawalang sala din ni Judge Alzate sina Jaime Rapacon, Rey Aranda, Lani Almarico, Jorne Sanchez at Genelyn Sanchez sa Violation ng section 15, Article II ng RA 9165 (Dangerous Drugs Act of 2002) dahil pinasok sila ng mga pulis sa isang kwarto sa isang boarding house dahil sa diumano’y nag papot session ang mga ito.

Pero ayon sa korte, illegal ang kanilang paghuhuli sampu ng pagkakakumpiska ng drug paraphernalia.
Maliban dito, hindi umano sinunod ng mga pulis ang  chain of custody rule. (Rhodz Beñez)
y � . p 8L 86 family:"Tahoma","sans-serif";mso-fareast-font-family:"Times New Roman"'>Pero dahil sa matinding sugat, binawian ng buhay ang biktima, bandang ala-130 ng umaga kahapon.

Sa ngayon naghihimas ng malamig na rehas bakal ang suspetsado habang inihahanda na ang kaong kanyang kakaharapin.

Si Gerodias ang ikalawang trabahante ng Cotelco na biktima ng karahasan sa bayan ng Kabacan, nito’ng linggo’ng ito lang.

Ang una ay isang gwardiya ng Cotelco sub-station sa Barangay Aringay na si Max Ganion na binaril sa ulo habang pauwi ng bahay sa naturang lugar. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento