Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

2 tindahan sa Kabacan, ninakawan

(Kabacan, North Cotabato/April 23, 2012) ---Abot sa P20,000 ang natangay ng mga magnanakaw sa isang “Monje Store” na nasa Aglipay St., Kabacan, Cotabato makaraang niransak ng mga di pa nakilalang mga salarin alas 9:00 ng gabi nitong Biyernes.


Ayon sa may ari na si Ronie Monje, 41-anyos at residente ng Mapanao St., ng nabanggit na bayan, pwersahan umanong sinira ng mga magnanakaw ang padlock ng maindoor upang gawing entrance point.

Samantala, nilooban din ng mga magnanakaw ang isang Etic Agrivet Supply na makikita sa Jacinto St., Poblacion ng nabanggit na lugar.

Sa report ng Kabacan PNP, nabatid mula kay Jonnel Necesito Bingco, 32, may asawa at resident eng Dona Aurora St., natuklasan na lamang niya na pinasok ang kanyang tindahan alas 6:00 ng umaga nitong Sabado.

Sinira umano ng mga kawatang ang bubong ng kanyang tindahan upang gawing entrance point.
Matapos maisakatupan ang masamang balakin kungsaan tangay ang abot sa P1,500 na coins ay mabilis namang tumakas ang mga ito.

Sa ngayon nag-paalala ang pamunuan ng Kabacan PNP sa publiko na maging mapagmatyag dahil muli na namang umaatake ang mga magnanakaw sa oras na brown out o kasagsagan ng walang kuryente lalo na sa gabi. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento