Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mga Drug suspect sa North Cotabato; kinasuhan na

(Kabacan, North Cotabato/April 25, 2012) ---Isinampa na kamakalawa ang mga kasong drug trafficking kontra sa 35-taong gulang na tricycle driver na si Albert Guiaman Damdamin na nakuhanan ng shabu at marked money sa buy-bust raid sa bayan ng Kabacan, North Cotabato.


Ayon kay Supt. Raul Supiter, OIC Chief ng Kabacan PNP, na-recover mula sa suspect ang tatlong sachet ng suspected shabu at P500 na marked money.


Sinabi ni Supiter na nagulat mismo ang misis ng suspect nang malamang hinuli ito ng mga awtoridad dahil sa pagbebenta nito ng illegal na droga.

Buntis raw ang misis ng suspect.

Sa Kidapawan City, kinasuhan na ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang 30-taong gulang na si Saguira Kapinda na nakuhanan ng apat na sachet ng shabu nang inspeksyunin ng gwardiya ng Amas Provincial Jail, kamakalawa.

Ayon sa report, nakuha ang naturang shabu na nakaipit sa garter ng leggings ni Kapinda.
Bibisitahin sana ni Kapinda ang isang kamag-anak na nakulong sa Amas Jail.  

0 comments:

Mag-post ng isang Komento