Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Pulisya at NPA nagka-engkwentro sa Makilala, North Cotabato

(Makilala, North Cotabato/April 23, 2012) ---Nakasagupa ng mga elemento ng Special Action Force ng Pulisya ang may limang mga armadong grupo ng Guerilla Front 72 ng New People’s Army sa may New Baguio, Makilala, North Cotabato dakong alas 8:00 kaninang umaga.

Ayon sa report ni 6th Division Public Affairs Chief Col. Prudencio Asto, nagsasagawa umano ng combat clearing operation ang pulisya sa lugar sa pamumuno ni Police Inspector Niel Gaspar ng mag-ka engkwentro ang grupo.

Nagtagal umano ng labin limang minuto ang palitan ng putok sa magkabilang panig kungsaan agad namang umatras ang mga kalaban.

Agad namang nagsagawa ng clearing operation ang tropa sa erya.

Wala naman umanong nasugatan sa panig ng gobyerno habang di pa malaman ang mga sugtan sa panig ng kalaban.

Ikinasa naman ni 2Lt. Estrada ang kanilang blocking at combat operation sa mga lugar ng Sitio Dianzig, Brgy. Old Bulatukan at brgy Sto. Niño sa nasabing bayan para sa posibleng ikadarakip ng mga makakaliwang grupo. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento