Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Voluntary blood donation activity isinagawa sa Pikit, North Cotabato

(Pikit, North Cotabato/April 24, 2012) ---Naging mainit ang partispasyon ng iba’t- ibang sektor sa isinagawang voluntary blood donation activity sa bayan ng Pikit, North Cotabato.


Umabot sa 46 bags of donated bloods ang nalikum ng mga kinatawan ng Cotabato Regional Medical Center o CRMC Blood Bank at Red Cross mula sa buong araw na aktibidad.

Idinaos ang blood donation activity sa pangunguna ng tanggapan ni North Cotabato First District Cong. Jesus Susing Sacdalan sa pakikipagtulungan sa CRMC bilang pagtugon na rin sa kahilingan ng mga mamamayan ng Barangay Poblacion Pikit.

Ipinapaabot naman ni Poblacion Pikit Barangay Kagawad Frammy Villanueva ang pasasalamat sa tanggapan ni Cong. Sacdalan,CRMC at ed Cross dahil sa hakbang na isagawa ang blood donation sa kanilang lugar.

Inanunsyo naman ni Congressional District Office Focal Person for Special Operations Benny Queman na magtutuloy- tuloy ang voluntary blood donation activities sa buong unang distrito ng North Cotabato.

Ayon naman sa mga eksperto, isa sa maraming benipisyo ng padodonate ng dugo ay nababawasan ang sobrang iron sa katawan na nakukuha dahil sa over consumption. 

Ang sobrang iron sa katawan ay nakapagpapataas ng formulation ng free radicals na nagiging sanhi ng pinsala sa body cells at tissues. 

Ang free radicals na ito ay kalimitang naiuugnay sa mga sakit tulad ng heart disease at cancer.

Kaya hinihiyat ng tanggapan ni Cong Sacdalan, CRMC at Red Cross ang bawat mamamayan na magdonate ng dugo upang makamtan ang benepisyong hatid nito sa katawan. (Roderick Bautista)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento