(Kabacan,
North Cotabato/April 24, 2012) ---Nagpakamatay ang isang katorse anyos na
dalagita sa pamamagitan ng pag-inom ng lason kamakalawa sa brgy. Malanduage,
Kabacan, Cotabato.
Batay
sa impormasyong nakuha ng DXVL News mula sa isang pinagkakatiwalaang source,
sinasabing problema umano sa lovelife ang sanhi kung bakit nagpakamatay ang
nasabing dalagita na di naman pinangalanan sa report.
Ang
nasabing minor de edad ay mabilis namang isinugod sa USM Hospital pero din a nito
kinaya ang pagkalat ng lason sa katawan nito na nagging sanhi ng kanyang
kamatayan. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento