Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Last two usher, arestado ng Kabacan PNP

(Kabacan, North Cotabato/ May 12, 2014) ---Huli ng mga operatiba ng Kabacan PNP ang isang 28-anyos na last two usher sa nagpapatuloy na kampanya ng mga otoridad kontra illegal na sugal sa bayan ng Kabacan.

Kinilala ni Supt. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP ang suspek na si Jerwin Pipino Besidas, 28-anyos at residente ng brgy. Osias, Kabacan, Cotabato.


Natiklo si Besidas sa besinidad ng brgy. Osias dakong alas 10:30 noong Biyernes.

Nakuha mula sa posisyon nito ang ilang illegal gambling paraphernalia, cash money na nagkakahalaga ng P4,800.

Sa ngayon nasa kustodiya ng Kabacan PNP ang suspek habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa kanya na paglabag sa PD 1602 na inamendahan ng RA 9287.

Una ng lumabas sa report ng ilang mga kapitan sa isinagawang Emergency Municipal Peace and Order Council Meeting na may ilang mga kasapi ng PNP na idinadawit din sa illegal na sugal na siya ngayon pinatutukan ni Mayor Herlo Guzman Jr., na paimbestigahan sa hanay ng kapulisan ang ilang PNP personnel na sangkot sa illegal gambling.

Hinamon din ng alkalde ang Punong barangay ng Poblacion na si Kapitan Mike Remulta katuwang si Supt. Maribojo na tutukan at ang illegal na sugal sa Kabacan kung di man ito tuluyang mapahinto. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento