(Pikit, North Cotabato/ May 12, 2014)
---Ginulantang ng malakas na pagsabog ang bayan ng Pikit, North Cotabato alas
6:30 ngayong umaga lamang.
Sa report ni DXVL News Correspondent Nhor
Gayak, nangyari ang pagsabog sa National highway ng Brgy. Batulawan sa nasabing
bayan.
Limang pulis ang muntik ng masabugan sana ng
rumesponde ang mga ito nang maiulat na may natagpuang IED sa damuhang bahagi sa
gilid ng Highway.
Bago paman nakarating sa lugar ang mga pulis
ay sumambulat ang isa sa mga Improvised Explosive Device habang nakatakda
namang i-detonate ng EOD Team na galing pa ng bayan ng Kabacan ang isa pang IED
na narekober.
Habang nag-uulat si Gayak ay nagkaroon muna
ng pansamantalang rerouting sa mga dadaanan ng sasakyan sa mga oras na ito.
Ayon kay Phil. Army spokesperson Ins.
General Dickson Hermoso hindi pa mabatid kung Improvised Explosive Device o
granada ang sumabog.
Nilinaw ni Hermoso na wala namang sugatan sa
nangyaring insedente
Sa ngayon, tiniyak ng opisyal ang magiging
seguridad ng mga commuters na posibleng dadaan sa National Highway ng nasabing
lugar.
Pansamantala munang isinara ang National
Highway sa mga motorist habang nagpapatuloy pa ang ginagawang imbestigasyon. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento