(Alamada, North Cotabato/ May 13, 2014)
---Pito katao ang naiulat na nasawi habang mahigit sa pitumpu ang na ospital sa
diarrhea outbreak sa apat na barangay ng Alamada, North Cotabato.
Sa report ni Municipal Administrator Ruben
Cadava ng Pamahalaang lokal ng Alamada kinilala ang mga nasawi na sina Kasay
Catahom, 50-anyos, brgy. Dado; Pandoy Penil, 8-anyos; Marilyn
Pangantion,
4-anyos; Sitio Bakong, brgy. Dado; Alias Kirat, 5-anyos ng Sitio Palipayen,
Brgy. Dado; Annalisa Landaran, 45-anyos, Sitio Palipayen, brgy. Dado; Kedang
Manto, 24-anyos, Sitio Upper Teren-Teren, brgy. Dado at Hamad panunte, 6-anyos
residente ng Sitio Rebi Brgy. Pigcawaran lahat buhat sa bayan ng Alamada.
Isinugod naman sa Alamada Community hospital
ang mga nabiktima na ngayon ay nilalapatan na ng lunas habang ang iba naman ay
nakrekober ba mula sa dinaranas na pagtatae, pagsusuka at pananakit ng tiyan.
Tinukoy naman ng opisyal ang mga lugar na
apektado maliban sa Barangay Dado ay ang Lower Dado, Barangay Pigcawaran, Sitio
Ribi, Brgy. Mapurok at iba pa.
Sa inisyal na impormasyon, nag-spray umano
ang mga magsasaka ng kemikals sa palayan na ginagamit laban sa mga kulisap.
Pero nitong nakaraang Sabado ng gabi umulan
ng malakas na siyang naging dahilan para humalo umano ang gamot sa tubig
patungo sa source na inumin ng mga residente.
Maaaring dumaloy umano ang kemikal sa mga
balon na ginagamit sa pag-inom at dito na nalason ang mga residente.
Ipapasuri naman ngayong araw sa Kidapawan
City ang sample ng tubig na nakuha sa pinag-imnan ng mga biktima.
Kumilos na rin ang lokal na Pamahalaan para
matulungan ang mga naging biktima sa lugar. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento