(Pikit, North Cotabato/ May 13, 2014) ---Patuloy
pa ngayon ang ginagawang imbestigasyon ng Pikit PNP para matukoy kung anu ang
motibo sa nangyaring sunod-sunod na pagsabog ng Improvised Explosive Device o
IED sa National Highway ng Brgy. Batulawan, Pikit, Cotabato kahapon ng umaga.
Malaki ang paniniwala ni PInsp. Mautin
Pangandigan, hepe ng Pikit PNP na walang intensiyon na mag-iwan ng casualties
sa mga tao ang nangyaring pagpapasabog.
Ito ayon sa opisyal dahil ang tinaniman ng
pampasabog ay malayo sa matataong lugar.
Pero posibleng target ng mga salarin na
pasabugan ang mga rumesponding pulisya sa lugar gayunpaman di rin nila
isinasantabi ang anggulong may kaugnayan ito sa pagkaka-aresto sa most wanted
na si Abadulrasid Bantuan AKA Rasid Bantuan na nahaharap sa kasong Robbery in
band at Double homicide na isinampa sa kanya ng mga otoridad sa RTC branch 18
sa Midsayap, North Cotabato.
Si Banluan ay may Criminal Case No. 11-048
at nahuli sa Fort Pikit alas 3:30 ng hapon noong linggo.
Samantala sa hiwalay na panayam kay PSI
Jojet Nicolas, tagapagsalita ng CPPO, tiniyak nitong ligtas ng daanan ang
National Highway ng Pikit, partikular sa Batulawan matapos na kinordon ito ng
PNP kahapon ng umaga. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento