(Libungan, North Cotabato/ May 13, 2014) ---Pinaniniwalaang
inatake ng kanyang sakit na epilepsy ang isang 65-anyos na mister kaya hindi
ito nakaligtas ng mangyari ang sunog sa kanilang tinitirhan sa barangay
Cabaruyan, Libungan, North Cotabato.
Sa ulat ni Punong Barangay Captain Joridine
Bonao kinilala ang biktima na si Antonio Maglasang, 65-anyos, may asawa at
residente ng nabanggit na lugar.
Naninigarilyo umano ang biktima ng inatake
ito ng kanyang sakit na epilepsy na siya’ng dahilan ng sunog.
Batay sa report wala din umano ang misis
nito ng maganap ang insedente kaya hindi nailigtas ang biktima.
Kasama sa nasunog si Magsalang bukod pa sa
naabu ang kanilang bahay sa nasabing insedente.
Posibleng may kalayuan ang lugar kaya di
agad nakapag responde ang mga kagawad ng pamatay apoy. Rhoderick Beñez with report from USM Devcom Intern Davie Jame Castillo
0 comments:
Mag-post ng isang Komento