Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Illegal na sugal na last two; talamak din sa Kidapawan City

(Kidapawan City/ May 13, 2014) ---Sa kabila ng sunod-sunod na panghuhuli ng mga otoridad ng mga nagpapataya ng illegal number games na mas kilala sa tawag na last two, marami pa rin ang gumagawa nito hayagan man o patago.

Ito makaraang masampulan na naman ang dalawang dalaga makaraang maaresto dahil sa pagpapataya ng last two sa magkahiwalay na operasyon ng Kidapawan City PNP kahapon.

Kinilala ni  Supt. Leo Ajero, .hepe ng Kidapawan City PNP ang mga natiklo na sina Laiza Bahinting Villamor, 22-anyos, dalaga at residente ng Brgy. Mateo Kidapawan City habang kinilala naman ang isa pa na si Grace  Marie Abacaje Patemo , 21 anyos, dalaga  at residente ng Malita, Singao ng nasabing lungsod.

Ang dalawa ay nahuli sa magkahiwalay na lugar ng lungsod na nagpapataya ng illegal number games na mas kilala sa tawag na last two.

Nakuha mula sa dalawa ang mga last two paraphernalias at kasama na ang ilang mga cash.
Sasampahan ang mga nahuli ng paglabag sa PD 1602 as amended by RA 9287 na ngayon ay nasa kustodiya ng Kidapawan PNP. USM Devcom Intern Zhaira Sinolinding


0 comments:

Mag-post ng isang Komento