Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

P2.5M na equipment para sa USM-Philippine Rubber Testing Center; itinurn-over ng DTI 12

(USM, Kabacan, North Cotabato/ May 14, 2014) ---Abot sa P2.5Milyong piso na halaga ng mga pasilidad ang nilagdaan sa isinagawang Acknowledgement Receipt of the Equipment o ARE sa launching of Shared Service Facility na isinagawa sa Crops Science Research Building, USMARC, USM, Kabacan, Cotabato kahapon ng umaga.  

Ayon kay Commission on Audit State Auditor Ma. Corazon Mukthar na ang nasabing mga gamit ay hindi pa pormal na pag-aari ng USM-Philippine Rubber Testing Center dahil sasailalim pa sa ebalwasyon ang mga equipment at ibabatay doon ang pormal na pag-turn-over kung paanu iningatan ito ng Center.

Sinabi sa DXVL News ni PRTC Quality Manager Prof. Stella Ocreto na kabilang sa mga equipment na ito ay ang Nitrogen Distillation at Digestion Equipment; Wallace Plastimeter na nagkakahalaga ng P1.1M; Ageing Chamber P800,000 ang halaga at ang voltage regulator.

Pinasalamatan din ni USM Pres. Francisco Garcia ang pamunaun ng Department of Industry o DTI 12 sa pagbibigay ng nasabing pasilidad na malaking tulong upang mapa-angat pa ang nasabing PRTC at malaking tulong sa pagdetermina ng kalidad na produkto ng goma.

Sa kanyang mensahe, sinabi nitong tinutupad lamang ng pamunuan ng USM ang Four Fold functions ng Pamantasan at isa na dito ang mantado sa research.

Pinasalamatan din ng Pangulo ang lahat ng kawani ng USM sa kooperasyon at pakikipagtulungan para lalo pang mapa-angat ang serbisyo ng unibersidad.

Nilagdaan naman ni Dr. Garcia at ni DTI Provincial Director Anthony Bravo ang ARE sa harap ng mga stakeholders nito.

Iniulat naman ni USMARC Director Dr. Romulo Cena ang update sa Rubber Research.

Kabilang sa mga dumalo sa nasabing programa ay si Board Member Loreto Cabaya bilang representate ni Cotabato Gov. Lala Mendoza, VP for Research and Extension Dr. Cayetano Pomares, Dr. Naomi Tangonan Scientist; Dr. Eugenio Alcala, Rubber Consultant, DTI 12, ilang mga USM Personnel at mga Rubber Researchers. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento