Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

(Update 3) Diarrhea Outbreak: 8 patay kasama na ang 4 na buwang sanggol habang 105 ang na ospital sa Alamada, North Cotabato

(Kabacan, North Cotabato/ May 13, 2014) ---Walo katao ang naiulat na nasawi habang mahigit sa isang daan na ang na ospital sa diarrhea outbreak sa apat na barangay ng Alamada, North Cotabato.

Sa report ni Municipal Administrator Ruben Cadava ng Pamahalaang lokal ng Alamada kinilala ang mga nasawi na sina Kasay Catahom, 50-anyos, brgy. Dado; Pandoy Penil, 8-anyos; Marilyn Pangantion, 4-anyos; Sitio Bakong, brgy. Dado; Alias Kirat, 5-anyos ng Sitio Palipayen, Brgy. Dado;
Annalisa Landaran, 45-anyos, Sitio Palipayen, brgy. Dado; Kedang Manto, 24-anyos, Sitio Upper Teren-Teren, brgy. Dado; Hamad panunte, 6-anyos residente ng Sitio Rebi Brgy. Pigcawaran at isang a na taong gulang na sanggol lahat buhat sa bayan ng Alamada.

Isinugod naman sa Alamada Community hospital ang mga nabiktima na ngayon ay nilalapatan na ng lunas habang ang iba naman ay nakrekober ba mula sa dinaranas na pagtatae, pagsusuka at pananakit ng tiyan.

Tinukoy naman ng opisyal ang mga lugar na apektado maliban sa Barangay Dado ay ang Lower Dado, Barangay Pigcawaran, Sitio Ribi, Brgy. Mapurok at iba pa.

Sa inisyal na impormasyon, nag-spray umano ang mga magsasaka ng kemikals sa palayan na ginagamit laban sa mga kulisap.

Pero nitong nakaraang Sabado ng gabi umulan ng malakas na siyang naging dahilan para humalo umano ang gamot sa tubig patungo sa source na inumin ng mga residente.

Maaaring dumaloy umano ang kemikal sa mga balon na ginagamit sa pag-inom at dito na nalason ang mga residente.

Ipapasuri naman ngayong araw sa Kidapawan City ang sample ng tubig na nakuha sa pinag-imnan ng mga biktima.


Kumilos na rin ang lokal na Pamahalaan para matulungan ang mga naging biktima sa lugar. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento