(USM, Kabacan, North Cotabato/ May 16, 2014)
---Umaasa ngayon ang pamunuan ng Philippine Rubber Testing Center o PRTC sa
University of Southern Mindanao na marami sa mga processors ng goma ang
magpapasuri sa PRTC na nasa USMARC ng USM Main campus matapos na nabigyan ng
state of the art na mga equipment ang center.
Ito ang sinabi sa DXVL News ni PRTC Quality
Manager Prof. Stella Ocreto upang matiyak din ng mga nag-poproduce ng goma na
kalidad ang kanilang produkto sa pamamagitan ng pagsusuri sa nasabing
laboratory.
Ayon kay Prof. Ocreto na mandato ng PRTC na
tiyakin ang kalidad ng mga pinoprosesong dried Natural rubber maliban pa sa pagpapalakas
ng agro-industrial development sa bansa.
Ipinaliwag din nito sa mga kasapi ng Media
kung paanu pinapagana ang mga equipment sa loob ng PRTC.
Sinabi naman ni USM Pres. Dr. Francisco
Garcia na ang ibinigay na pasilidad ng Deaprtment of Trade and Industry o DTI ay
malaking tulong para lalo pang palakasin ang rubber industry sa lalawigan.
Ginawa ng pangulo ang pahayag sa launching
ng Shared Service Facility sa Crops Science Research Building ng USMARC nitong
Miyerkules.
Batay sa pagsasaliksik ng provincial government
lumalabas na abot sa 107,000 ektarya ng lupa sa probinsiya ang maari pang
i-develop para pagtamnan ng rubber.
Nabatid kasi na nahaharap ngayon sa krisis
ang mga magsasaka ng goma dahil sa napakababa ang presyo nito sa pandaigdigang
pamilihan. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento