Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Seminar Workshop sa pagsusulat ng weather report; isasagawa sa lungsod ng Heneral Santos


(Koronadal city/August 24, 2012) ---Magsasagawa ng dalawang araw na Seminar work shop on laymanizing Environment, weather and climate reports ang Philippine Information Agency 12 sa susunod na linggo.

Ito ay magsisimula sa Agosto 28-29 na gagawin sa lungsod ng Heneral Santos city.

Inaasahang dadalo ditto ang mga public information officers sa bawat ahensiya ng gobyerno at mga kagawad ng media.

Pulisya at militar nagdagdag na ng security measures sa mga lugar na namataan ang presensiya ng BIFF sa North Cotabato


(Pikit, North cotabato/August 24, 2012) ---Tiniyak ni Senior Inspector Elias Dandan, hepe ng Pikit PNP, na bukas bente-kwatro oras ang Davao-Cotabato highway partikular sa pagitan ng Pagalungan at Pikit kung saan namataan ang ilang myembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF.

Binigyang diin naman ni Dandan na pinaghahanap na ng kapulisan at mga militar ang mga rebelde.
        
Di raw nila papayagang magdulot ng pangamba sa mga North Cotabateno ang kanilang presensiya.
        
Samantala, hinamon ng opisyal ang mga BIFF na makipaglaban ng harapan sa mga militar at kapulisan upang di na madamay ang mga sibilyan.

Cotabato Police Provincial Office nagpalabas ng paalala hinggil sa week-long celebration ng Kalivungan Festival 2012


(Amas, Kidapawan City/August 24, 2012) ---Kaugnay ng week-long celebration ng Kalivungan Festival sa North Cotabato, nagpalabas ng ilang paalala ang Cotabato Police Provincial Office lalo na sa mga magdadala ng bata sa panonood ng iba’t-ibang aktibidad.

Ang paaala ay ipinalabas ni SSupt. Cornelio Salinas, ang Provincial Director ng Cotabato Police Provincial Office.

Sinabi ni Salinas na dapat ay sa mga magulang na dapat ay tiyaking alam ng inyong anak o dalang bata ang kanyang pangalan, tirahan at magulang.

Bangkay na nahukay sa isang brgy. sa Kabacan; wala pa ring pagkakakilalan


(Kabacan, North Cotabato/August 23, 2012) ---Hindi pa rin kinilala ng kanyang kamag-anak ang bangkay na nahukay makaraang inilibing sa isang abandonadong lugar, 30 metro ang layo mula sa brgy. road ng brgy. Malanduage alas 12 ng tanghali kahapon.

Ayon kay SP01 Kenneth Garbin, investigator ng Kabacan PNP, ang nasabing biktima ay nasa edad 32-35 taong gulang at may taas na nasa 5’2 hanggang 5’5.

Mahigit sa 30 katao huling gumagamit at nagtutulak ng illegal na droga sa Kabacan ---TFK

(Kabacan, North Cotabato/Auguist 23, 2012) ---Abot na sa 34 na mga indibidual na sangkot sa iba’t-ibang illegal na gawain kagaya ng pagtutulak at paggamit ng illegal na droga at ilan pang paglabag sa RA 9165 ang naaresto ng Kabacan PNP sa isinagawang operasyon nila mula buwan ng Mayo hangang sa unang linggo ngayong buwan ng Agosto.

Ito ang inilabas na report ng Oplan Task Force Krislam sa kampanya ng Kabacan PNP na pinamumunuan ni P/Supt. Raul Supiter kontra sa talamak na bentahan ng illegal na droga sa Kabacan.

Bangkay ng lalaki, nahukay makaraang inilibing sa isang abandonadong lugar sa isang brgy. ng Kabacan


(Kabacan, North Cotabato/August 22, 2012) ---Isang bangkay ng lalaki ang natagpuan ngayon ng ilang mga residente mga 30 metro ang layo mula sa brgy road ng brgy. Malanduage, Kabacan kaninang alas 12 ng tanghali.

Ayon kay SP01 Kenneth Garbin, investigator ng Kabacan PNP, patuloy nilang inaalam ang pagkakakilanlan ng nasabing biktima na posibleng edad 32-35 taong gulang at may taas na nasa 5’2 hanggang 5’5.

Inspector ng Weena Bus, huli sa buybust operation kagabi


(Kabacan, North Cotabato/August 22, 2012) ---Kulungan ang bagsak ng isang inspector ng Weena Bus Company, makaraang mahuli sa isinagawang buybust operation sa mismong bahay nito sa Purok National, Brgy. Poblacion, Kabacan alas 10 kagabi.

Nanguna sa pag-aresto sa suspek na kinilala sa pangalang Sharabi Sultan Namla   sina    Supt. Raul Supiter, hepe ng Kabacan PNP, Task Force Chrislam Head P/Insp. Tirso Pascual, P/Ins Rolando Dillera kungsaan nakuha mula sa posisyon at sa pamamahay ng suspek ang ilang mga plastic heat sealed sachet na pinaniniwalaang naglalaman ng shabu.

30-anyos na ginang, huli sa Kidapawan city na nagpapataya ng last two


(Kidapawan City/August 22, 2012) ---Arestado ang isang trenta anyos na babae matapos maaktuhang nagpapataya ng Last two sa Habitat subdivision, barangay Sudapin, Kidapawan City, pasado alas kwatro ng hapon, kamakalawa.

Kinilala ng Kidapawan City PNP ang suspek na si Mary Joy Bartolo.

Nakuha mula sa salarin ang gambling paraphernalia gaya ng calculator, ballpen at tally sheet.
Sa ngayon, nakapiit na sa Kidapawan City PNP lock-up cell ang suspek na haharap sa kasong paglabag sa RA 8297 o National Law on gambling.

Military naka-heightened alert na matapos na namataan ang 5 daang miembro ng BIFF sa ilang lugar sa North Cotabato


(Pikit, North Cotabato/August 22, 2012) ---Nagsilikas na ngayon ang ilang mga pamilya mula sa dalawang mga bayan sa North Cotabato matapos na mamataan umano nila ang presensiya ng Bangsamoro Islamic Freedom fighters sa lugar simula kahapon ng gabi.

Sinabi sa DXVL ni 7th IB Commanding Officer Lt. Aries dela Cuadra na abot umano sa limangdaang mga BIFF ang nasa lugar, batay sa impormasyon na kanilang nakalap.

Ilang mga opisyal sa North Cotabato, nagluluksa sa pagpanaw ng kalihim ng DILG


(Kabacan, North Cotabato/August 22, 2012) ---Nakikiramay at nagluluksa ngayon ang ilang mga lokal na opisyal sa lalawigan ng North Cotabato kaugnay sa pagkamatay ni Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Jesse Robredo nang bumagsak ang sinakyan nitong Piper Seneca plane sa karagatan ng Masbate noong Sabado.

Kasamang nasawi sa trahedya ang mga pilotong sina Capt. Jessup Bahinting at Kshitiz Chand na isang Nepalese.

Kahapon ng umaga nang maiahon ang mga labi ni Robredo, 180 talampakan mula sa ilalim ng karagatan.

Estudyante ng USM, sugatan sa isang pamamaril


(Kabacan, North Cotabato/August 21, 2012) ---Sugatan ang isang 17-anyos na estudyante ng University of Southern Mindanao makaraang barilin ng mga di pa nakilalang suspek gamit ang di pa matukoy na uri ng baril alas 6:30 kagabi.

Kinilala ni P/Insp. Tirso Pascual ng Kabacan PNP ang biktima na si Mohamad Ali Lumambas, walang asawa at residente ng Sitio Kitabo, Aringay ng bayang ito.

Mga Lumad sa North Cotabato, nalungkot sa pagbagsak ng eroplanong sinakyan ni DILG Secretary Jesse Robredo


(North Cotabato/August 20, 2012) ---Nagpahayag ng kalungkutan ang tribo ng Obo Manobo sa North Cotabato matapos mabalitaang bumagsak ang eroplanong sinakyan ni Department of Interior and Local Government o DILG Secretary Jesse Robredo, sa Masbate, noong Sabado.

Nananalangin ang mga lumad na hanggang sa ngayon ay ligtas pa rin ang kalihim, at matatagpuan na ito dahil sa nagpapatuloy na search and rescue operation.

Si secretary Robredo ay bininyagan bilang Datu Macauyag ng Tribong Manobo, sa isinagawang Indigenous People Congress kamakailan.

Isa patay, isa rin sugatan sa vehicular accident sa Kidapawan City


(Kidapawan City/August 20, 2012) ---Patay ang isang 22-anyos na binata habang sugatan ang isa pang kasama nito makaraang masangkot sa vehicular accident sa highway ng Barangay Balindog, Kidapawan City, pasado alas onse ng gabi noong sabado.

Ayon sa report ng Kidapawan City PNP Traffic section, pauwi na ng Kabacan mula Kidapawan City sina Ian Agusen, 22, ng Barangay Bannawag; at Marlon Bernandez, 24, ng Roxas Street, Poblacion ng bayan, nang mangyari ang aksidente.

34-anyos na na lalaki; huling nagtutulak ng illegal na droga


(Kabacan, North Cotabato/August 20, 2012) ---Kulungan ang bagsak ng isang 34-anyos na lalaki makaraang mahuli sa isinagawang buybust operation alas 6:00 ng gabi nitong Biyernes sa mismong bahay nito sa Sinamar 1, Kilagasan, Kabacan, Cotabato.

Kinilala ng pulisya ang nahuli na si Guialil Banog Madigan, 34, magsasaka at residente ng Lower Paatan ng bayang ito.

Higit 200 kalamansi seedlings ipinamahagi; Mt. Siya-siya ipinagmamalaki ng mga Baoeá¹…os


(Alamada, North Cotabato/August 20, 2012) ---Ipinagmamalaki  ng mga residente ng barangay Bao, Alamada ang ganda ng kanilang Mt. Siya- siya na dinarayo ng mga lokal na turista.

Ayon kay Bao Punong Barangay Democrito Diola, ang Mt. Siya- siya ay isa sa mga prayoridad ng lokal na pamahalaan ng Alamada sa tourism development initiatives nito. 

Nagmula sa salitang “silya” ang pangalan ng Mt. Siya-siya dahil sa hugis silya umano ito kung pagmamasdan.

Cotabato Provincial Police Office, nakuha ang best Police Provincial Office sa South-west Mindanao

(Amas, Kidapawan City/August 20, 2012) ---Nangunguna ang Cotabato Provincial Police Office sa lahat ng mga Police Provincial Office sa buong region matapos na makuha nito ang parangal na best Provincial police station sa South West Mindanao.

Mismong si Sr. Supt. Cornelio Salinas, ang Provincial Police director ng North Cotabato ang tumanggap ng award sa General Santos city kasabay ng ika-111 anibersaryo ng PNP kungsaan si Undersecretary for Peace and Order Rico Puno ng Department of Interior and Local Government ang naging panauhing pandangal.