Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Bangkay ng lalaki, nahukay makaraang inilibing sa isang abandonadong lugar sa isang brgy. ng Kabacan


(Kabacan, North Cotabato/August 22, 2012) ---Isang bangkay ng lalaki ang natagpuan ngayon ng ilang mga residente mga 30 metro ang layo mula sa brgy road ng brgy. Malanduage, Kabacan kaninang alas 12 ng tanghali.

Ayon kay SP01 Kenneth Garbin, investigator ng Kabacan PNP, patuloy nilang inaalam ang pagkakakilanlan ng nasabing biktima na posibleng edad 32-35 taong gulang at may taas na nasa 5’2 hanggang 5’5.

Batay sa pagsasalarawan ng opisyal nakasuot ng kulay itim na damit ang nasabing biktima at short pants.

May tinamo umanong sugat ang biktima sa kaliwang bahagi ng kanyang dibdib na di pa matukoy kung ito ba ay nabaril o sinaksak habang walang pang resulta ang ginagawang autopsiya ng doctor.

Una kasing inireport ng mga residente sa lugar ang nakitang hukay sa Matalam PNP at bago mag alas 12 ng tanghali kanina ay tuluyang hinukay ng mga kagawad ng Matalam PNP ang biktima.

Nang malaman na aor ito ng Kabacan, agad na pinuntahan ng Kabacan PNP ang lugar kungsaan posibleng pinatay muna ang biktima bago inilibing sa isang abandonadong lugar sa brgy. Malanduage.

Nanguna sa isinagawang imbestigasyon kanina si Deputy chief of Police Judernadine Panes, P/Insp. Tirso Pascual at nabatid na hindi pa naagnas ang bangkay ng biktima.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng mga otoridad, may narinig umanong alingawngaw ng baril ang mga residente sa paligid kagabi na posiblen isa sa mga anggulong tiningnan ng mga pulisya.

Sa ngayon nasa Villa Jusa Funeral Parlor ang mga labi ng biktima, kaya panawagan natin sa mga may nawawalang kamag-anak na kung maari ay puntahan ninyu sa Villa Jusa funeral Parlor sa brgy. Osias, Kababacan, Cotabato. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento