Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

30-anyos na ginang, huli sa Kidapawan city na nagpapataya ng last two


(Kidapawan City/August 22, 2012) ---Arestado ang isang trenta anyos na babae matapos maaktuhang nagpapataya ng Last two sa Habitat subdivision, barangay Sudapin, Kidapawan City, pasado alas kwatro ng hapon, kamakalawa.

Kinilala ng Kidapawan City PNP ang suspek na si Mary Joy Bartolo.

Nakuha mula sa salarin ang gambling paraphernalia gaya ng calculator, ballpen at tally sheet.
Sa ngayon, nakapiit na sa Kidapawan City PNP lock-up cell ang suspek na haharap sa kasong paglabag sa RA 8297 o National Law on gambling.

Sa iba pang mga balita, Tiniyak ni Kapitan Elmer Navales, punongbarangay ng Poblacion, Magpet na tututukan ng konseho ang pagpapalawak ng streetlighting project sa kanilang lugar.

Sinabi pa ng opisyal na naisumite na nila sa Cotabato Electric Cooperative o COTELCO ang kanilang aplikasyon para sa proyekto na balak ilagay sa sentro ng bayan ng Magpet.

Aminado naman si Navales na mayroon pa ring mga lugar sa kanilang barangay ang di pa rin naiilawan dahil na rin sa kakulangan sa pondo.

Umaasa naman ngayon ang opisyal na maisasakatuparan na ang proyekto sa tulong ng COTELCO, upang makaiwas sa anumang trahedya na maaring idulot ng madidilim na daan.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento