(North Cotabato/August 20, 2012) ---Nagpahayag ng kalungkutan ang tribo ng
Obo Manobo sa North Cotabato matapos mabalitaang bumagsak ang eroplanong
sinakyan ni Department of Interior and Local Government o DILG Secretary Jesse
Robredo, sa Masbate, noong Sabado.
Nananalangin ang mga lumad na hanggang sa ngayon ay
ligtas pa rin ang kalihim, at matatagpuan na ito dahil sa nagpapatuloy na
search and rescue operation.
Si secretary Robredo ay bininyagan bilang Datu Macauyag
ng Tribong Manobo, sa isinagawang Indigenous People Congress kamakailan.
Siya ay kinilalang Tribal Datu dahil sa nilagdaan niyang Memorandum Circular Number 119-2012 kung saan nag-uutos sa mga lokal na opisyal na magtalaga ng isang representante sa Sanggunian ang mga lumad.
Ang ibig sabihin ng Datu Macauyag ay ‘life giver’.
Samantala, malaki ang paniniwala ni Transportation and Communication Sec. Mar Roxas na magkakaroon na ng malaking development ang nagpapatuloy na search and rescue effort ngayong araw para mahanap sina Interior and Local Government Sec. Jesse Robredo at dalawang piloto ng sinasakyan nilang Piper Seneca Cessna plane.
Una ng inihayag ni roxas na may mga inilatag silang diving plan na nais nilang maisakatuparan ngayong maghapon at dito ay ikinunsidera ang lahat ng sistema at kasanayang nalalaman ng mga expert divers na bahagi ng rescue mission.
Batay sa report abot sa 250 ft ang kailangang sisirin ng mga divers, na hindi kakayanin ng karaniwang pasilidad lamang.
Sinabi ng opisyal na ang diving plan bilang isang sensetibong gampanin na kinakailangan ang sistimatikong proseso at ibayong disiplina para sa mga scuba divers.
Gumagamit na ang grupo ng pure helium at pure oxygen mixture na siyang ikinakarga sa mga tangke ng bawat diver.
Nilinaw naman ng DOTC secretary na hindi pa rin nakikita ang mismong eroplano sa kabila ng higit 36 oras ng paghahanap.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento