(Amas,
Kidapawan City/August 24, 2012) ---Kaugnay ng week-long celebration ng
Kalivungan Festival sa North Cotabato, nagpalabas ng ilang paalala ang Cotabato
Police Provincial Office lalo na sa mga magdadala ng bata sa panonood ng iba’t-ibang
aktibidad.
Ang
paaala ay ipinalabas ni SSupt. Cornelio Salinas, ang Provincial Director ng Cotabato
Police Provincial Office.
Sinabi
ni Salinas na dapat ay sa mga magulang na dapat ay tiyaking alam ng inyong anak
o dalang bata ang kanyang pangalan, tirahan at magulang.
Lagi
ring hawakan o ‘wag alisin ang tingin sa bata lalo na kung ito ay naglalaro sa
parke.
At
kung kayo naman ay nakakita ng nawawalang bata, agad itong ipagbigay alam sa
mga awtoridad.
Ilan
lamang ito sa ipinalabas na tips ng mga awtoridad upang maging ligtas kasabay
ng pagdiriwang ng Kalivungan Festival.
Kaugnay nito, pormal ngnagsimula ngayong araw Agosto a-24 ang isang linggong selebrasyon ng ika 98
taong founding Anniversary ng probinsiya ng North Cotabato at kalivungan festival
2012.
Ngayong araw, itinampok sa pagsisimula ng open dart cup sa Matalam, North Cotabato;
habang bukas naman Agosto a-25 isasagawa ang Badminton tournament sa Midsayap,
North Cotabato maliban pa sa gagawing Mt. Apo Extreme challenge na gagawin sa
Kidapawan city na pangangasiwaan ng PENRO-Cotabato at Makilala.
Gagawin
din ang Kavurunan, isang tribal forum at ang mutya ang kavurunan sa bayan ng Antipas.
Bukod
dito may gagawin ding inter-bowling tournament, lumbaanay sa salbadiba sa
Alamada, North Cotabato, swimming competition naman gagawin dito sa bayan ng
Kabacan.
Sa
Agosto a-26 isasagawa ng Mutya ng North Cotabato sa Midsayap habang sa Agosto
27 naman gagawin sa Makilala, North Cotabato ang motocross competition.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento