Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Cotabato Provincial Police Office, nakuha ang best Police Provincial Office sa South-west Mindanao

(Amas, Kidapawan City/August 20, 2012) ---Nangunguna ang Cotabato Provincial Police Office sa lahat ng mga Police Provincial Office sa buong region matapos na makuha nito ang parangal na best Provincial police station sa South West Mindanao.


Mismong si Sr. Supt. Cornelio Salinas, ang Provincial Police director ng North Cotabato ang tumanggap ng award sa General Santos city kasabay ng ika-111 anibersaryo ng PNP kungsaan si Undersecretary for Peace and Order Rico Puno ng Department of Interior and Local Government ang naging panauhing pandangal.

Sinabi ni Salinas na ang parangal na kanilang natanggap ay pangatlo na ngayong taon simula 2009.

Ayon sa opisyal, bagama’t ang North Cotabato PNP ay ‘battered’ ng napakaraming hamon, partikular sa sa usapin ng seguridad sa kabila nito ang mga pulsiya ay nananatiling nakabantay para tiyakin ang seguridad ng mga tao. 

Kamakailan, ang PNP sa tulong ng Cotabato Provincial government ay naglunsad ng Land Transport Terminal Security System o LTSS, ito para tiyakin ang seguridad ng public commuters na dumadaan sa Cotabato-Davao highway na ligtas.

Samantala, nakuha naman General Santos City Police Office ang “Best City Police Office”; Tacurong City Police Office as “Best City Police Station”; Glan Municipal Police Station as “Best Municipal Police Station”; South Cotabato Public Safety Company as “Best Provincial Public Safety Company”; General Santos City Public Safety Company as “Best City Public Safety Company”; General Santos City PNP as “Best Women and Children’s Protection Desk”; at Regional Public Safety Battalion 4th Maneuver Company as “Best Maneuver Company.” (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento