(Alamada,
North Cotabato/August 18, 2012) ---Bumisita sa bayan ng Alamada, North Cotabato
ang pinakamataas na opisyal ng Phil. National Police sa buong bansa kasama ang
kanyang maybahay upang pangunahan ang isang proyektong mangangalaga sa
kalikasan.
Nanguna
si PNP Director General Nicanor Bartolome at ni Dra. Noimie Bartolome sa isang
tree planting activity kasama ang PNP Ladies Club at iba pang opisyal ng PNP.
Sinabi
ni North Cotabato police provincial director Senior Supt. Cornelio Salinas na
ang tree planting activity ay kaugnay ng ipinatutupad na national program ng
PNP. Ito ay ang “Pulis makakalikasan: 10 milyong puno pamana sa kinabukasan.”
Ang
Ladies Club ay binubuo ng mga misis ng mga police officials sa buong bansa.
Malapit
sa puso ni Director. Bartolome ang Alamada dahil ito ay home-town ni Dra.
Noemia Bartolome.
Pagkatapos
ng tree planting activity ay pinulong ni Bartolome ang mga PNP officials ng
lalawigan at rehiyon kung saan inalam nito ang peace and order situation sa
kanilang mga nasasakupan.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento