Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

3 special detainees, binigyang prayoridad sa bagong pasinayang District Jail Annex ng provincial government



(Amas, Kidapawan City/August 16, 2012) ---Dahil sa lumulubong bilang mga mga inmates sa Cotabato Provincial Jail, iginiit ngayon ni Cotabato Governor Emmylo “Lala” Talino Mendoza na mabigyan ng prayoridad ang tatlong mga special detainees ng probinsiya.

Ito ang pagtitiyak ng gobernadora kasabay ng isinagawang pagpapasinaya ng bagong North Cotabato District Jail Annex sa Amas, Kidapawan City kahapon ng hapon.

Naglaan ang provincial government ng abot sa P6.2M na pondo para maisaayos ang tatlong ektaryang Jail annex na pinangangasiwaan na ngayon ng Bureau of Jail Management ang Penology.
Kahapon din inilipat na ang ilang mga preso sa sinasabing prisons without walls.

Ang pagpapatayo ng Jail annex, ito batay sa inaprubahan ng SP na resolusyon na Provincial Code 506 para dito na pansamantalang ikukustodi ang mga children with conflict in the law, mga presong babae na dapat ay matutukan batay sa Magna Carta on women at ang mga person’s with disability.

Una dito, aminado naman si J/CInsp. Mary Chanette Espartero, OIC, district jail wardress na man ilan na ring silang bilang na nagkakasakit ng tuberculosis na binibigyan na nila ng lunas.

Dumalo din sa nasabing turn-over ceremony sina J/SSupt. Daniel Dequito Jr, ang Regional Director, Bureau of Jail Management & Penology, Region XII na naka base sa Cotabato city at Provincial legal Officer Atty. Jonah Denaque-Mineses. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento