(Kidapawan City/August 13, 2012) ---Hindi na
maitatago ang desperasyon ng reaksyonaryong gubyerno sa patuloy na
pagsasakatuparan ng minatamis nitong kontra-insurhensiyang OPLAN BAYANIHAN
maging ang mga pampublikong mga pamantasan ay kabilang na sa mga pinapasok ng
mga ito upang ipalaganap ang bulok at pasibo nitong mga paniniwala.
Ito ang ginawang pahayag ng Kabataan
Partylist sa isinagawang forum ng mga sundalo.
Kungsaan, tinawag na pangha-harass
at ‘black propaganda’ ng Army ang pagtawag sa Kabataan party-list North
Cotabato at iba pang grupo’ng maka-kaliwa na prente ng ‘New Peoples’ Army’ o
NPA.
Itinuring din ni Rey Morante,
coordinator ng Kabataan party-list sa North Cotabato, ang forum na ginawa noong
Biyernes ng 10th Infantry Division ng Philippine Army sa USM
Kidapawan City campus, na isang uri ng ‘pagba-balatkayo’ at ‘panlilinlang’.
Ayon kay Morante, ang kanilang grupo
ay aktibo sa pagbibigay ng edukasyon sa hanay ng mga mag-aaral at
kabataan.
Sa mga pag-aaral na ginawa nila,
natututunan at nauunawaan ng kabataan ang tunay na suliranin ng bayan.
Pero hindi raw ibig sabihin nito na
ang kanilang ginagawa ay matatawag na ‘evils of communism’, tulad ng umano pinangangalandakan
ni Lt. Col. Leopoldo Galon, commander ng 5th Civil Relations Service
ng Eastern Mindanao Command ng 10th Infantry Division.
Si Galon ang pangunahing speaker sa
umano Bayanihan Forum na ginawa sa USM-KCC gym noong Biyernes kung saan sinabi
nito na ang mga progresibong grupo ay mga prente ng NPA.
Ayon kay Morante, ang mga forum na
ginawa nina Galon ay ‘mukha’ ng ‘mapanlinlang na Bayanihan.’
Kaugnay nito, nasa linya si North
Cotabato Kabataan Partylist spokesperson Darwin Rey Morante, para magbigay ng
pahayag patungkol sa isyung ito, sir magandang umaga po.
Gaanu po ba katotoo na kayo daw po
sa inyung grupo ay prente daw po ng mga makakaliwang grupo.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento