(Kabacan,
North Cotabato/August 13, 2012) ---Nakipagpulong si DILG Secretary Jessie
Robredo sa ilang mga lokal na opisyal ng bayan ng Kabacan ngayong araw.
Kabilang sa
kanilang napag-usapan ay hinggil sa peace and order ng bayan ng Kabacan matapos
na napaulat ang diumano’y banta ng pambobomba at ang panibagong pagpasabog ng
40mm grenade
launcher na nagresulta sa pagka-danyos ng bubong ng quaknet
internet café na nasa Bonifacio St., at National Highway.
Nakipagpulong
si robredo kay Kabacan Mayor George Tan, Vice Mayor Pol dulay, MILGOO Officer
Jasmin Musaid, P/SSupt. Cornelio Salinas, ang cotabato Police Provincial
Director at ilang mga opisyal ng Kabacan.
Una ditto,
bago dumating ang opisyal, ipinakalat naman ng buong pwersa ng pulisya sa mga
pangunahing kalye ng Poblacion. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento