(Kabacan, North Cotabato/August 13, 2012)
---Kagagawan umano ng mga tagasuporta ng Bangsamoro Islamic Freedom Movement
(BIFM) ang tatlong magkakasunod na pagsabog sa lalawigan ng North
Cotabato at Maguindanao kamakalawa ng gabi.
Sinundan ito ng isang pagsabog sa dito sa bayan ng Kabacan dakong alas 8:15 ng gabi kungsaan tumama ang bala ng 40mm launcher grenade na M79 sa bubong ng Quaknet Internet Café, ito ayon kay P/Supt. Raul Supiter, hepe ng Kabacan PNP.
Sinabi ni Supiter na wala namang nasaktan o nasawi sa panibagong pagpapasabog.
Bukod dito, agad namang nasundan ang nasabing pagsabog bandang alas 8:30 ng gabi sa bayan ng M’lang.
Sa report ng PNP, inilagay ang bomba
sa isang kanal sa may bagsakan ng gulay sa boundary ng Barangay Poblacion at
Dungguan sa national highway.
Wala namang nasugatan o nasawi sa
naturang pagsabog, ayon sa report.
Naganap ang mga pagsabog habang
humuhupa na ang bakbakan sa pagitan ng tropa ng gubyerno at ng Bangsamoro
Islamic Freedom Fighters sa Maguindanao.
Ito na ang ikatlong pagsabog na
naganap sa lalawigan ng North Cotabato, simula nito’ng Lunes.
Ang una ay sa bayan ng Pikit kung
saan pinasabugan ng di kilalang mga suspect ang detachment ng CAFGU na
nagresulta sa pagkakasugat ng lima katao, apat rito mga CAFGU.(Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento