Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Negosyante, na-hold-up sa Kabacan; 2 mga anak nito na trauma


(Kabacan, North Cotabato/August 14, 2012) ---Nahold-up ang isang 36-anyos na negosyante ng mga di pa nakilalang mga armadong kalalakihan sa may Brgy. Cuyapon, Kabacan, Cotabato kamakalawa.

Kinilala ng Kabacan PNP ang biktima na si Wilma Pajarillo, may asawa at residente ng nabanggit na lugar.

Batay sa inisyal na pagsisiyasat ng mga pulisya lumalabas na habang papauwi na ang biktima sakay sa kanilang motorsiklo kasama ang dalawa nitong mga anak na babae at ang kanyang sister in law na nakilalang si Marlyn Tabilla ng sila ay harangan ng tatlong mga armadong kalalakihan.

Tinutukan umano ng baril ang dalawa pa nitong mga anak na sabay na nag-deklara ng hold-up.

Tinangay naman ng mga salarin ang lahat ng gamit ng biktima kasama ang bag nito na naglalaman ng P200.00.

Mabilis namang rumesponde si Brgy. Kapitan Ernesto Bigsang Sr., mga kasapi ng BPAT at CAFGU pero, bigo po silang mahuli ang mga salarin.

Sa ngayon patuloy naman ang ginasawang pagtugis ng pulisya sa mga responsable sa nasabing panb-hohold-up.

Samantala sa iba pang mga balita, huli ang isang 22-anyos na binata na nakilalang si Jack Boy Tayong Segotier, sa isanagawang saturation drive sa loob ng Kabacan Public Market sa pamamagitan ng operasyon “Kapkap, Bakal”, makaraang makuhanan ng Marijuan leaves.

Ang nasabing marijuana ay nakabalot sa Marlboro cigarette wrapper.

Agad namang dinala sa kustodiya ng Kabacan PNP ang nasabing suspetsado. (Rhoderick Beñez)


0 comments:

Mag-post ng isang Komento