Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

3 mga estudyante ng USM, nalason sa kinaing patel



(Kabacan, North Cotabato/August 16, 2012) ---Nangingitim at sumama ang pakiramdam ng dalawa sa tatlong mga estudyante ng University of Southern Mindanao makaraang dinala sa USM Hospital nitong Lunes matapos malason ng kinaing patel.

Sa report, kinilala ang mga biktima na sina Chem Dumlao Oyagsan, 20, residente ng brgy Bannawag, Jordan Ardanie, 17 residente ng bayan ng M’lang at ang isa pang estudyante rin ng USM na di pa nakilala.

Sa panayam ng DXVL sa kapitbahay ng biktima na si Mercedita Takeban, kumain umano ang tatlong mga biktima ng patel sa isang kainan sa USM Avenue nitong Lunes dahilan kung bakit nakaramdam ng pananakit sa tiyan ang mga ito.

Agad namang nabigyan ng lunas ang mga ito kung kaya’t nakalabas na ng ospital ang mga biktima kahapon.

Kaya ang nais lamang ng mga magulang ng biktima na tiyakin ng mga gumagawa ng patel o sa mga nagluluto ng pagkain partikular na sa mga carenderia na malinis at ligtas ang kanilang ibinebenta. 

Sa panayam ngayong umaga kay Sanitation Officer Naga Sarip, Jr. magsasagawa sila ng inspeksiyon sa lahat ng mga kainan sa bayan ng Kabacan partikular na sa mga gumagawa ng patel matapos ang report na pagkakalason ng tatlong mga estudyanteng kumain ng patel sa isang kainan sa USM Avenue. (Rhoderick Beñez)


0 comments:

Mag-post ng isang Komento