Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Brgy kagawad sugatan sa isang shooting incident sa Matalam, NCot; Granada sumabog


(Matalam, North Cotabato/August 14, 2012) ---Kritikal  ang kondisyon ng kagawad ng Barangay Marbel sa bayan ng Matalam, North Cotabato matapos pagbabarilin ng ‘di kilalang mga lalaki sa loob ng public market, pasado alas dyes ng umaga, kahapon.

Nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan niya ang biktima na kinilalang si Bong Palalay, kagawad ng Barangay Marbel.

Ayon kay SPO2 Froilan Gravidez ng Matalam PNP, nakatayo sa isang  bahagi ng public market si kagawad Palalay nang parahan ng isang motorsiklo at barilin.

Dalawang mga driver ng trisikad na nakaparada sa lugar ang tinamaan ng mga ligaw na bala at isinugod rin sa Babol Hospital sa Poblacion ng Matalam.

Kinilala ang mga ito na sina Datu Manong Abas na taga-barangay Marbel, at Mangadta Norodin na residente ng Barangay Kidama, pawang sa bayan ng Matalam.

Agad namang inilipat ang tatlo sa Cotabato Provincial Hospital sa Amas complex, bandang alas 10:30 ng umaga, kahapon, ayon kay SPO2 Froilan Gravidez ng investigation section ng Matalam PNP.

Samantala, nang rumesponde sa crime scene ang mga operatiba ng Matalam PNP, hinabol nila ang mga suspect na sakay ng motorsiklo.

Habang hinahabol nila ng police car ang isa pang motor ay nagpasabog ng granada ang mga suspek.

Swerte namang di tinamaan ang mga sakay ng sasakyan.

Patuloy pa ring tinutugis ng PNP ang mga suspek na sakay ng dalawang motorsiklong walang plaka.
Inaalam din ng PNP kung ang shooting incident ay may kinalaman sa serye ng pamamaril na naganap sa ilang mga bayan sa lalawigan. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento