(Kabacan,
North Cotabato/August 14, 2012) ---Isang High Explosive na Improvised Explosive
Device o IED ang natagpuan ng isang magsasaka sa bagong ani nitong palayan sa
Sitio Lumayong, Brgy. Kayaga, Kabacan, Cotabato alas 4:50 kahapon ng hapon.
Ayon
kay Supt. Raul Supiter, hepe ng Kabacan PNP ang nasabing ied ay nakasilid sa
isang malaking cellophane at itinanim umano sa mga dayami ng bagong aning
palay.
Agad
namang inireport ng magsasakang nakilalang si Mohib Panimbang, nasa tamang
edad, resident eng crossing agpa, brgy. Kayaga ang nakita nitong ied sa mga
pulisya.
Mabilis
namang rumesponde ang mga kagawad ng Explosive Ordnance Team sa lugar upang
ma-i-disrupt ang nasabing ied.
Ligtas
namang pinasabog ng 63rdEOD team ang nasabing pampasabog na gawa sa bala ng
81mm HE.
Matapos
na ma clear ang lugar, balik naman sa normal ang daloy ng trapiko sa Kabacan
–Carmen, National Highway bago mag alas 6:00 kahapon ng gabi.
Inaalam
pa ng mga otoridad kung ang nrekober na ied ay may kaugnayan sa mga
ipinakakalat na report sa balak na guluhin ng grupong BIFF ang probinsiya ng
North Cotabato. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento