Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mga kasapi ng PNP lalahok sa Post Blast Investigation Training Course sa Amerika

By: Rod Rivera Bautista

(Midsayap, North Cotabato/ May 29, 2014) ---Dalawang kasapi ng Philippine National Police o PNP mula sa North Cotabato  ang nakatakdang lumipad patungo sa Estados Unidos para lumahok sa Post Blast Investigation o PBI course na gaganapin sa North Carolina sa Amerika ngayong June 2-18, 2014.

Pangonglekta para sa tuition fee ng mga mag-aaral sa Kabacan National High School, itinanggi ng pamunuan ng paaraan

(Kabacan, North Cotabato/ May 29, 2014) ---Pinabulaanan ng pamunuan ng Kabacan National High School ang reklamo ng ilang mga magulang na umano’y paniningil ng ilang mga guro sa mga estudyante para sa kanilang matrikula sa nagpapatuloy nilang enrolment.

Ito ang naging paliwanag ni OIC Zandro Camilon sa panayam sa kanya ng DXVL News matapos ang sumbong ng ilang mga magulang na di umano’y di magtatanggap ng enrolment ang guro kung di nila mababayaran ang kanilang tuition.

IED, narekober sa bayan ng Pres. Roxas PNP

(Pres. Roxas, North Cotabato/ May 29, 2014) ---Isang Improvised Explosive Device o IED ang narekober sa bahagi ng tulay ng Kabacan River sa brgy. Labuo, Pres. Roxas, North Cotabato alas 3:50 kahapon ng hapon.

Ayon kay 57th IB, PA Captain Manuel Gatuz ang naturang pampasabog ay itinanim di kalayuan sa outpost ng mga sundalo at nakatali umano sa madre de cacao na may dalawang metro ang taas.

Estudyante ng USM, panibagong biktima ng nakaw motorsiklo

(Kabacan, North Cotabato/ May 28, 2014) ---Tinangay ng di pa nakilalang salarin ang isang motorsiklo ng isang estudyante ng University of Southern Mindanao sa mismong harap ng bahay nila sa Rizal Avenue, Poblacion, Kabacan, Cotabato pasado alas 11:00 kamakalawa ng gabi.

Sa panayam ng DXVL sa may ari na kinilalang si Allan James Licudo, 17-anyos, estudyante ng nasabing Pamantasan at residente ng nasabing lugar na nakaparada lamang sa harap ng bahay nila ng balikan nito ay nawala na.

12 kaso ng VAWC sa Kabacan, naitala sa unang quarter ng taon

(Kabacan, North Cotabato/ May 28, 2014) ---Abot sa 12 na kaso ng Violence Against Women and Children o VAWC ang naitala sa Municipal Social Welfare and Development Office ng Kabacan simula buwan ng Enero hanggang buwan ng Marso ng kasalukuyang taon.

Ito ang napag-alaman mula kay MSWDO head Susan Macalipat.

Mga brgy na naapektuhan ng flash flood sa Kabacan, patuloy na bineberipika ng MSWDO

(Kabacan, North Cotabato/ May 28, 2014) ---Abot lamang sa 3,576 na pamilya ang apektado ng nakaraang flashflood at pagbabaha sa anim na mga barangay sa bayan ng Kabacan taliwas sa unang naiulat ng LGU.

Ito ang pinakahuling datos na inilabas ni Municipal Social Welfare Officer Susan Macalipat sa panayam sa kanya ng DXVL News kahapon.

6-anyos, patay; ina na buntis at amang pulis sugatan sa nangyaring pamamaril sa Midsayap, North Cotabato

(Midsayap, North Cotabato/ May 28, 2014) ---Patay ang sais anyos na batang lalaki nang tamaan sa PUSO mula sa bala ng kalibre kurentay singko habang sugatan din ang ina nitong buntis at ama nitong pulis makaraang pagbabarilin sa Midsayap, North Cotabato.

Kinilala ni Supt. Renante Delos Santos, hepe ng Midsayap PNP ang biktima na si Jonas Adrean Pintoy na pumanaw kahapon habang ginagamot sa pagamutan.

PBA Legends vs Cotabato’s Best dinagsa ng mahigit 5 libong tao

Written by: Jimmy Sta. Cruz

AMAS, Kidapawan City (May 28) Tulad ng inaasahan, dinagsa ng libo-libong manood ang pinakahihintay na PBA Legends vs. Cotabato’s Best exhibition games na ginanap sa provincial capitol gym alas-sais kagabi.

Ayon kay Cotabato 1st District Board Member at Samahang Basketbolista ng Pilipinas Regional Chairman Loreto Cabaya, Jr., mahigit limang libo ang nanood sa laro na kinatatampukan ng mga sikat na Philippine Basketball Association players noong 90’s at early 2000 at mga piling manlalaro ng Cotabato province.

2 mga bahay, razed to ground sa nangyaring sunog sa Antipas, Cotabato

(Antipas, North Cotabato/ May 27, 2014) ---Nilamon ng apoy ang dalawang mga pamamahay sa nangyaring sunog sa bahagi ng Old Market, Poblacion, Antipas, Cotabato alas 8:40 kagabi.

Sa ulat na ipinarating sa DXVL News ngayong umaga ni PSI Felix Fornan ang hepe ng Antipas PNP kabilang sa mga bahay na natupo ng apoy ay pag-mamay-ari nina Bulit Delgado at Madeline Pamplona.

Baha sa Kabacan, tatlong klase ang pinagmulan –ayon sa eksperto

(Kabacan, North Cotabato/ May 27, 2014) ---Tinukoy ng ilang mga eksperto ang tatlong klase na pinagmulan ng baha sa bayan ng Kabacan.

Ayon kay Engr. Willy Jone Saliling sa interbyu sa kanya ng Unlad Kabacan team na may tatlong pinagmulan ang mga pagbabaha sa Kabacan.

Ex-Kapitan ng isang brgy sa Arakan, pinagbabaril sa Kidapawan city

(Kidapawan City/ May 27, 2014) ---Sugatan ang isang dating kapitan ng Brgy. Duroloman, Arakan, North Cotabato makaraang pagbabarilin sa harap ng Mlhullier sa Quezon boulevard sa Kidapawan City alas 3:45 kahapon ng hapon.

Kinilala ni PInsp. Samuel Bascon ng Kidaapwan City PNP ang biktima na si Bernabe Abanilla dating brgy. Kapitan ng Duroloman sa bayan ng Arakan at ngayon ay residente ng Pres. Roxas.

Peace and Development Program sa mga malalayong lugar sa North Cotabato, isinusulong ng militar

(Kabacan, North Cotabato/ May 27, 2014) ---Para matugunan ang matagal ng problema ng bansa hinggil sa insurhensiya, patuloy na isinusulong ngayon ng mga kasundaluhan ang Peace and Development Program sa mga malalayong lugar sa probinsiya.

Sa panayam ng DXVL News kay Captain Manuel Gatuz ng 57th IB ng Philippine Army nag-babaranggay ang mga kasundaluhan katuwang mga mga barangay opisyal upang mabigyan ng sapat na impormasyon ang mga residente sa mga barangay kung anu ang mga magagandang programa ng gobyerno sa mga ito.

Militar, naka-heightened alert pa rin sa posibleng pagresbak ng mga rebeldeng grupo

(Kabacan, North Cotabato/ May 27, 2014) ---Nakataas pa rin ang alerto ng militar sa posibleng ‘retaliation’ na gagawin ng mga rebeldeng New People’s Army o NPA sa ilang detachment ng militar at himpilan ng pulisya sa lalawigan ng North Cotabato.

Ito ang sinabi ni 57th IB, PA Capt. Manuel Gatuz sa panayam sa kanya ng DXVL News.

WHO consultant bumisita sa kapitolyo, mga nurses, MHO’s at BHW’s sumailalim sa orientation

Written by: Jimmy Sta. Cruz

AMAS, Kidapawan City (May 26) – Upang mabigyan ng dagdag kaalaman ang health sector sa lalawigan ng Cotabato, dumating dito at nagbigay ng orientation patungkol sa kahalagahan ng immunization ang World Health Organization o WHO consultant na si Dr. Rupali Sisir Banu. Ong.

Nakipagpulong si Dr. Banu sa abot sa 100 mga nurses, Municipal Health Officers at Barangay Health Workers mula sa iba’t-ibang munisipyo sa provincial capitol gymnasium noong May 20, 2014.

Lola, sanggol patay matapos matumbahan ng puno ng mangga sa Midsayap, NCot!

(Midsayap, North Cotabato/ May 26, 2014) ---Patay ang isang lola kasama ang apo nitong 5 buwang  sanggol makaraang matumbahan ng puno ng manga ang kanilang bahay dahil sa malakas na ipo-ipo na tumama sa Sitio Mauswagon, Barangay Salunayan Midsayap, North Cotabato dakong alas-5:00 nitong Biyernes.

Nakilala ang mga nasawi na sina Princess Jelyn Tubal, limang buwang gulang, at lola nito na si Teresita Murillo, 53, may asawa, habang ang sugatan naman ay si Danny Asinas, 46, pawang mga residente ng nasabing lugar.

Dahil sa selos, Mister, inireklamo ni Misis

(Kabacan, North Cotabato/ May 27, 2014) ---Kalaboso ngayon ang isang 46-anyos na mister makaraang inireklamo ng Misis nito sa Kabacan PNP.

Sa report ng Kabacan PNP binantaan umano ng mister ang kanyang misis na si Mylene, di na tunay na pangalan bagay na idinulog nito sa himpilan ng pulisya.

Inabusong OFW na taga Pikit, Cotabato tutulungan ng LGU at PGCot

Written by: Jimmy Sta. Cruz

(Pikit, North Cotabato/ May 26, 2014) ---Matapos malaman ang sinapit ng Overseas Filipino Worker o OFW na si Fahima Palacasi Alagasi sa Riyadh, Saudi Arabia  na sinabuyan ng kumukulong tubig ng kanyang amo, agad na ipinag-utos ni Cot. Gov. Emmylou “Lala” Taliño-Mendoza sa  Provincial Social Welfare Office o PSWDO na hanapin ang pamilya nito.

Ito ay para alamin kung anong tulong ang maaaring ibigay agad sa pamilya ni Alagasi na hanggang ngayon ay nagpapagaling mula sa pagkakapaso ng kanyang buong likod at mga kamay.

Pastor, biktima ng nakaw motorsiklo

(Kabacan, North Cotabato/ May 26, 2014) ---Dumulog sa himpilan ng Kabacan PNP ang isang pastor matapos na mabiktima ng nakaw motorsiklo sa mismong parsonage nila sa bahagi ng Isulat compound, National Highway, Kabacan, Cotabato kamakalawa.

Kinilala ang biktima na si Pastor Josue Solomon, nasa tamang edad at residente ng nasabing lugar.

Muslim Holiday, ipinagdiriwang ngayong araw

(Kabacan, North Cotabato/ May 26, 2014) ---Ipinagdiriwang ngayong araw ang Muslim Holiday na tinatawag na Laylatul Isra’ Wal Mi’raj, ang gabing paglakbay sa Jerusalem at pag-akyat sa langit ni Propeta Muhammad.

Ayon kay National Commission on Muslim Filipinos Acting Regional Director Galay Makalinggan na isa ito sa mga kinikilalang muslim holiday  sa bansa batay sa Presidential decree 1083.