Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mga brgy na naapektuhan ng flash flood sa Kabacan, patuloy na bineberipika ng MSWDO

(Kabacan, North Cotabato/ May 28, 2014) ---Abot lamang sa 3,576 na pamilya ang apektado ng nakaraang flashflood at pagbabaha sa anim na mga barangay sa bayan ng Kabacan taliwas sa unang naiulat ng LGU.

Ito ang pinakahuling datos na inilabas ni Municipal Social Welfare Officer Susan Macalipat sa panayam sa kanya ng DXVL News kahapon.

Aniya kabilang sa mga barangay na matinding sinalanta ay ang mga barangays ng: Dagupan, Cuyapon, Upper Paatan, Katidtuan, Pedtad at Poblacion.

Maliban dito may ilang barangay pa na hindi nakapagsumite ng kanilang report sa tanggapan ng MSWDO kagaya ng brgy. Lower Paatan, ayon kay Macalipat.

Ayon sa opisyal nag-iwan naman ng danyos sa sakahan ang naturang pagbabaha partikular na sa brgy. Katidtuan at Pedtad habang mga sakahan at pamamahay naman ang naapektuhan sa iba pang lugar.

Kaugnay nito, pinakikilos na rin ni Mayor Herlo Guzman Jr., ang LGU para sa nakatakdang tulong na ibabahagi sa mga residenteng naapektuhan ng nasabing kalamidad.

Sa panig naman ng Sangguniang bayan, hindi pa nagdeklara ng under state of Calamity ang bayan.


Sinabi ni Secretary to the Sangguniang bayan Beatriz Maderas na posibleng i-aadopt na lamang ng Sangguniang bayan ng Kabacan ang pagkakadeklara ng State of Calamity na deklarasyon ng Probinsiya. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento