(Kabacan, North Cotabato/ May 28, 2014) ---Abot
sa 12 na kaso ng Violence Against Women and Children o VAWC ang naitala sa
Municipal Social Welfare and Development Office ng Kabacan simula buwan ng
Enero hanggang buwan ng Marso ng kasalukuyang taon.
Ito ang napag-alaman mula kay MSWDO head
Susan Macalipat.
Ayon sa opisyal posibleng marami pa ang
nasabing bilang dahil may ilan pang mga malalayong barangay na hindi pa
nakapagreport sa kanilang tanggapan.
Sa nabanggit na bilang anim ang naiulat na
physical abuse, isa ang economic abuse habang 11 dito ang na-i-refer na sa
pamunuan ng PNP.
Tumanggi munang ihayag ng opisyal kung anung
brgy sa bayan ng Kabacan ang may pinakamataas na kaso ng pang-aabuso sa mga
kababaihan at kabataan.
Pero tiniyak ni Macalipat na patuloy ang
kanilang tanggapan sa mga adbokasiya kaugnay sa nasabing isyu.
Kaugnay nito patuloy ngayon ang ginagawang
kampanya ng MSWDO sa mga barangay sa pamamagitan ng brgy. council para
e-educate ang kababaihan kaugnay sa kanilang karapatan. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento