(Midsayap, North Cotabato/ May 28, 2014) ---Patay
ang sais anyos na batang lalaki nang tamaan sa PUSO mula sa bala ng kalibre
kurentay singko habang sugatan din ang ina nitong buntis at ama nitong pulis
makaraang pagbabarilin sa Midsayap, North Cotabato.
Kinilala ni Supt. Renante Delos Santos, hepe
ng Midsayap PNP ang biktima na si Jonas Adrean Pintoy na pumanaw kahapon habang
ginagamot sa pagamutan.
Habang patuloy namang inoobserbahan sa
ospital si PO1 Manuel Pintoy , na nakadestino sa PRO ARMM at asawa nitong
buntis na si Jennifer na kapwa nagtamo ng sugat sa ibat ibang parte ng katawan.
Sinasabing sakay ng motorsiklo ang mag anak
ng pagbabarilin ng Riding in tandem sa bahagi ng Brgy Poblacion 2.
Narecover sa Crime Scene ang sampung empty
shells ng .45 Caliber Pistol at dalawang motorsiklo.
Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng
Midsayap PNP kung sinu at ano ang motibo ng mga di pa nakilalang suspeks.
Nangyari ang pamamaril sa kasagsagan ng
buhos ng ulan alas nwebe noong linggo ng gabi.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento