(Kabacan, North Cotabato/ May 27, 2014) ---Para
matugunan ang matagal ng problema ng bansa hinggil sa insurhensiya, patuloy na
isinusulong ngayon ng mga kasundaluhan ang Peace and Development Program sa mga
malalayong lugar sa probinsiya.
Sa panayam ng DXVL News kay Captain Manuel
Gatuz ng 57th IB ng Philippine Army nag-babaranggay ang mga
kasundaluhan katuwang mga mga barangay opisyal upang mabigyan ng sapat na
impormasyon ang mga residente sa mga barangay kung anu ang mga magagandang programa
ng gobyerno sa mga ito.
Sa pamamagitan nito ay maipaabot din ng mga
sundalo ang problema at hinaing mga mga tao sa barangay sa pamahalaan lalo na
ang mga katutubo, ayon pa kay Gatuz.
Sinabi pa ng opisyal na umabot na rin ng 46
na taon ang insurgency problem sa bansa pero kapwa talo ang dalawang panig
dahil pareho pa ring Pilipino na naglalaban sa kapwa Pilipino.
Sa kabila nito, hinikaya’t naman ni Gatuz
ang mga rebeldeng grupo na magbalik loob na sa pamahalaan at may mga programang
nakahanda ang gobyerno para sa kanila.
Aniya, may ‘balik-baril program’ ang
pamahalaan kungsaan makakatanggap ang mga rebeldeng NPA mula sa gobyerno ng
P50,000 kapalit ng isusukong baril, P50,000 para sa kanilang livelihood at
P20,000 na immediate cash assistance.
Ang balik baril program ay sailalim ng
Office of the Presidential Adviser on the Peace process o OPPAP. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento