(Kabacan, North Cotabato/ May 26, 2014) ---Dumulog
sa himpilan ng Kabacan PNP ang isang pastor matapos na mabiktima ng nakaw
motorsiklo sa mismong parsonage nila sa bahagi ng Isulat compound, National
Highway, Kabacan, Cotabato kamakalawa.
Kinilala ang biktima na si Pastor Josue
Solomon, nasa tamang edad at residente ng nasabing lugar.
Sa salaysay ng biktima, pinasok umano ng di
pa nakilalang mga magnanakaw ang nasabing parsonage bandang alas 2-3 ng
madaling araw at tinanggal ang jalousie ng kanilang bintana para gawing
entrance point.
Nang matunugan ng biktima, kanyang sinigawan
ang mga salarin dahilan para abandonahin nila ang isa pang motorsiklo na
pag-mamay ari ng anak ni Pastor Solomon na iniwan sa harap ng Garcia Residence.
Pero ang bagong Bajaj na motorsiklo ng
biktima natangay ng mga suspek na kumaripas ng takbo sa bahagi na ng Katidtuan.
Sa ngayon patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng mga
otoridad sa nasabing insedente. Rhoderick
Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento