(Kabacan, North Cotabato/ May 29, 2014) ---Pinabulaanan ng pamunuan ng Kabacan National
High School ang reklamo ng ilang mga magulang na umano’y paniningil ng ilang
mga guro sa mga estudyante para sa kanilang matrikula sa nagpapatuloy nilang
enrolment.
Ito ang naging paliwanag ni OIC Zandro
Camilon sa panayam sa kanya ng DXVL News matapos ang sumbong ng ilang mga magulang
na di umano’y di magtatanggap ng enrolment ang guro kung di nila mababayaran
ang kanilang tuition.
Katunayan sinabi ni Camilon na nagpapatupad
ngayon ang paaralan ng “Zero Collection Fee” kahit pa man may mga old accounts
o unsettled accounts ang mga estudyante sa nakaraang School Year.
Samantala sinabi naman ni Cotabato School’s
Division Supt. Omar Obas na kanya ng pinaiimbestigahan kung gaanu katotoo ang
nasabing paniningil.
Kanya na ring inatasan ngayon si Dr. Nelia
Versola ang Principal ng Kabacan National High School para matugunan ang
naturang isyu.
Sinabi ni Obas na mahigpit na ipinapatupad
ng kanyang pamunuan ang DepEd order no. 19 series of 2008.
Samantala, isangdaang porsiento na ring
handa ang Cotabato Division para sa pasukan na magsisimula na ngayon Hunyo
a-dos. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento