Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

PBA Legends vs Cotabato’s Best dinagsa ng mahigit 5 libong tao

Written by: Jimmy Sta. Cruz

AMAS, Kidapawan City (May 28) Tulad ng inaasahan, dinagsa ng libo-libong manood ang pinakahihintay na PBA Legends vs. Cotabato’s Best exhibition games na ginanap sa provincial capitol gym alas-sais kagabi.

Ayon kay Cotabato 1st District Board Member at Samahang Basketbolista ng Pilipinas Regional Chairman Loreto Cabaya, Jr., mahigit limang libo ang nanood sa laro na kinatatampukan ng mga sikat na Philippine Basketball Association players noong 90’s at early 2000 at mga piling manlalaro ng Cotabato province.

Ito ay matapos na mapuno ng husto ang provincial gym at walang naging bakanteng upuan maging sa mga bleachers at sa inihandang mga upuan sa loob nito.

Alas-kuwatro pa lamang ng hapon ay nagsimula ng magdatingan ang mga manonood at nagkasunud-sunod na rin ang pagpasok ng mga sasakyan sa loob ng capitol grounds.

Maayos naman silang pumila at naghanap ng puwesto upang mapanood ang mga hinahangaang superstars ng PBA at mga pambatong players ng Cotatabo.

Sampung mga PBA legends ang nakipagsalpukan sa mga tigasing players ng Cotabato selection.

Ito ay sina Alvin Patrimonio, Kenneth Duremdes, Paul Alvarez, Rene Hawkins, Gerald Esplana, Zaldy Realubit, Gerry Codiñera, Rey Evangelista, Adonis Sta. Maria at Bonel Balingit.  

Ang Cotabato’s best naman ay binubuo nina Jayjay Cabañog, Igot Jawod, Losentes, Jun Tamayo, Bimbim Tolentino, Bambam Calipusan, Henry Gumahob, Jun Cadungog, Marvin Martinez, Mendrano, Ryan Belo, Eduardo Trinidad, and Kid Abas Letada.

Pagpasok pa lamang ng PBA legends sa basketball court at Cotabato’s best ay naghiyawan na ang mga fans at di na magkamayaw sa pagkuha ng litrato.

Pero bago nagsimula ang laro, 13 sa 16 na official candidates ng Mutya ng North Cotabato 2014 ang ipinakilala sa publiko at nagsilbing added attraction.

Naging mainit at kapana-panabik ang laro mula 1st hanggang 4th quarter kung saan lamang ang puntos ng PBA legends sa lahat ng quarters.

Ang first 5 ng PBA legends ay sina Patrimonio, Realubit, Esplana, Evangelista at Codiñera.  Unang nakapagtala ng puntos si Evangelista sa pamamagitan ng 3-point shot na pinakawalan nito at siya rin ang highest pointer sa score na 22.

Ang final score ay 97-76.

Ang PBA legends vs. Cotabato’s best ay isa sa malalaking sports events kaugnay sa pagdiriwang ng ika-100 taon o centennial ng Cotabato at Kalivungan Festival ngayong Agosto.

Ito rin ang isa sa mga basketball game sa kasaysayan ng Cotabato na nakahakot ng mahigit 5 libo katao kung saan walang naging bakante sa mga upuan.

Nais nina Cot. Governor Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza at Vice Gov. Greg “Dodong” Ipong na maging lubos ang kasiyahan ng mga Cotabateño at patunayang mapayapa ang lalawigan at hindi nagdadalawang-isip ang mga tanyag na personahe na magtungo sa lalawigan.


0 comments:

Mag-post ng isang Komento