(Pres. Roxas, North Cotabato/ May 29, 2014)
---Isang Improvised Explosive Device o IED ang narekober sa bahagi ng tulay ng
Kabacan River sa brgy. Labuo, Pres. Roxas, North Cotabato alas 3:50 kahapon ng
hapon.
Ayon kay 57th IB, PA Captain
Manuel Gatuz ang naturang pampasabog ay itinanim di kalayuan sa outpost ng mga
sundalo at nakatali umano sa madre de cacao na may dalawang metro ang taas.
Agad namang tinungo kahapon ng eod team ang
nasabing lugar at isinagawa ang safe render procedure sa nasabing improvised
landmine.
Malaki ang paniniwala ng opisyal na
posibleng mga rebeldeng New People’s Army ang nagtanim ng naturang pampasabog
noong kasagsagan ng kanilang pag atake sa Pres. Roxas PNP at target ang
reinforcement ng mga sundalo at pulis.
Sa ngayon nasa Cotabato Police Provincial
Office ng eod ang nasabing pampasabog para sa nagpapatuloy na imbestigasyon.
Matatandaan na ang Pres. Roxas PNP ay
nilusob noong Mayo a-20 ng madaling araw ng mga rebeldeng NPA kungsaan lima ang
naiulat na namatay sa panig ng rebelde kasama na ang dalawang matataas na
opisyal ng guerilla front 53. Rhoderick
Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento