Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Dahil sa selos, Mister, inireklamo ni Misis

(Kabacan, North Cotabato/ May 27, 2014) ---Kalaboso ngayon ang isang 46-anyos na mister makaraang inireklamo ng Misis nito sa Kabacan PNP.

Sa report ng Kabacan PNP binantaan umano ng mister ang kanyang misis na si Mylene, di na tunay na pangalan bagay na idinulog nito sa himpilan ng pulisya.


Kwento ng biktima na may lumapit sa kanya na kanilang customer para magpabarya sa pinagtatrabahuang peryahan.

Nang makita ng lalaki na may kausap ang misis biglang nagalit ito at nagmura.

Hindi pa makuntento ang mister nagwala pa ito sa kanilang bahay at sinira ang kanilang gamit.

Dahil sa di rin matiis ni misis ang pagiging battered wife, at ang pagseselos ng mister, kanya na itong inireklamo sa PNP.

Agad namang dinampot ng mga kapulisan ang lasing na mister mula sa bahay nila sa Ma. Clara St., Poblacion ng bayang ito.

Ngayong araw sasampahan ang suspek ng kasong paglabag sa R.A. 9262 o Violence against women and children act. Rhoderick Beñez with report from USM Devcom Intern Zhaira Sinolinding


0 comments:

Mag-post ng isang Komento