(Kabacan, North Cotabato/ May 27, 2014) ---Tinukoy
ng ilang mga eksperto ang tatlong klase na pinagmulan ng baha sa bayan ng
Kabacan.
Ayon kay Engr. Willy Jone Saliling sa
interbyu sa kanya ng Unlad Kabacan team na may tatlong pinagmulan ang mga
pagbabaha sa Kabacan.
Una ay buhat sa Northern Mindanao na mga
pag-ulan partikular na sa Pulangi river, pangalawa ay ang ulan mula naman sa
bahagi ng Mt. Apo partikular na mula sa Magpet, Matalam at Kidapawan City at
pangatlo ay ang mga pag-ulan mismo sa Poblacion.
Ito ang mga pangunahing nagsasanhi ng
pagbaha sa bayan ng Kabacan, dahil aniya ang Kabacan at nagiging catch basin ng
probinsiya.
Kung di ito maaagapan, posibleng lulubog ang
bayan sa baha.
Kaya naman nagsasagawa na ng inter-LGU at
inter-province coordination ang Pamahalaang Lokal ng Kabacan para matugunan ang
nasabing problema.
Tinukoy din ng mga ka-unlad hosts na
kabilang pa sa mga nagdudulot ng pagbaha ay ang mga nakabarang basura sa kanal.
Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento