(Kabacan, North Cotabato/ May 26, 2014) ---Ipinagdiriwang
ngayong araw ang Muslim Holiday na tinatawag na Laylatul Isra’ Wal Mi’raj, ang
gabing paglakbay sa Jerusalem at pag-akyat sa langit ni Propeta Muhammad.
Ayon kay National Commission on Muslim
Filipinos Acting Regional Director Galay Makalinggan na isa ito sa mga
kinikilalang muslim holiday sa bansa
batay sa Presidential decree 1083.
Kabilang sa mga lugar kungsaan inoobserba
ang nasabing okasyon ay ang mga lalawigan ng Basilan, Lanao del Norte, Lanao de
sur, Maguindanao, North Cotabato, Sultan Kudarat, sulu, Tawi-tawi, Zamboanga
del Norte, Zamboanga del sur kasama na ang mga lungsod ng Cotabato, Iligan,
Marawi, Pagadian at Zamboanga.
Samantala, maari ding di pumasok sa kanilang
tanggapan ang mga Muslim na opisyales at kawani ng pamahalaan sa ibang lugar na
di saklaw sa nabanggit, ito para maobserba rin nila ang nasabing okasyon.
Ang Isra at Mi'raj ay ang dalawang mga
bahagi ng isang Paglalakbay na, ayon sa Islamic tradisyon, ang Islamic propeta
Muhammad kinuha sa panahon ng isang solong gabi sa paligid ang 621 taon. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento