Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Militar, naka-heightened alert pa rin sa posibleng pagresbak ng mga rebeldeng grupo

(Kabacan, North Cotabato/ May 27, 2014) ---Nakataas pa rin ang alerto ng militar sa posibleng ‘retaliation’ na gagawin ng mga rebeldeng New People’s Army o NPA sa ilang detachment ng militar at himpilan ng pulisya sa lalawigan ng North Cotabato.

Ito ang sinabi ni 57th IB, PA Capt. Manuel Gatuz sa panayam sa kanya ng DXVL News.

Sinabi ng opisyal na nagdagdag na rin sila ng pwersa sa kanilang mga tropa sa bawat barangay partikular na sa bayan ng Pres. Roxas.

Reaksiyon ito ng opisyal matapos ang mga umuugong na balita na muling pag-atake ng rebeldeng grupo matapos na bigo po nilang malusob ang himpilan ng Pres. Roxas noong madaling araw ng Mayo a-20 kungsaan lima ang naiulat na nasawi kasama na ang dalawang mataas na opisyal ng guerilla front 53.

Sa kabila nito, tiniyak naman ng opisyal na kontrolado nila sa ngayon ang sitwasyon sa bayan ng Pres. Roxas.


Patuloy naman ang ginagawa nilang koordinasyon sa mga pulisya at naglagay na rin sila ng mga hotlines para sa mas mabilis na komunikasyon kasaling may mga presensiya ng armadong grupo na hindi naman miyembro ng sundalo o pulis. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento