Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

1 patay, 1 sugatan sa pananaksak sa Carmen, North Cotabato

(Carmen, North Cotabato/ July 27, 2013) ---Pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang isang magsasaka habang pinagtataga naman sa ulo ang isang 23-anyos na kasama nito sa Sitio Baroyon, Brgy. Macabenban, Carmen, North Cotabato alas 7:00 kagabi.

Kinilala ng Carmen PNP ang biktima na binawian ng buhay na si Johnny Pinda Andagoy, 26, may ka-live-in habang kinilala naman ang biktimang sugatan sa pananaga na si Jimwel Mandapig Mandakayan, 23, residente ng nabanggit na lugar.

23-anyos na driver, patay sa Pamamaril sa Carmen, North Cotabato

(Carmen, North Cotabato/ July 26, 2013) ---Dead on Arrival sa ospital ang isang 23-anyos na driver makaraang pagbabarilin sa Corner Sampaguita Avenue at Dao St., Poblacion, Carmen, North Cotabato kahapon ng tanghali.

Kinilala ng mga pulisya ang biktima na si Roland Ajan, binata at residente ng brgy General Luna ng nabanggit na bayan.

Lolo, natagpuang patay sa loob ng kwarto nito sa Kidapawan City; 2 Notorious drug courier, patay sa Buybust operation sa Pikit, North Cotabato

(Kidapawan City/ July 26, 2013) ---Napaaga ang salubong kay kamatayan ng isang 88-taong gulang na Lolo makaraang matagpuan sa loob ng kanyang bahay sa Roxas Street, Kidapawan City, dakong alas kwatro ng madaling araw kamakalawa.

Kinilala ang biktima na si Ildefonso Bayona, 88 taong gulang at residente ng nabanggit na lugar.

3 magkahiwalay na pagyanig tumama sa bayan ng Carmen, North Cotabato, kagabi

(Carmen, North Cotabato/ July 26, 2013) ---Tatlong malalakas na pagyanig ang umuga sa bayan ng Carmen, North Cotabato kagabi.

Sa report ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o Phivolcs unang niyanig ang bayan ng malakas na 4.8 magnitude na lindol alas 6:51 kagabi, kungsaan nakasentro ang pagyanig sa 18 kilomentro ng Hilaga ng Carmen na may lalim na 1 kilomentro at tectonic o paggalaw ng lupa ang pinagmulan.

4.8 Magnitude na lindol, yumanig sa Carmen, North Cotabato

(Carmen, North Cotabato/ July 25, 2013) ---Niyanig ng magnitude 4.8 na lindol ang bayan ng Carmen, North Cotabato alas 6:51 ngayong gabi lamang.

Sa report ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o Phivolcs nakasentro ang pag-uga sa 18 kilomentro ng Hilaga ng Carmen, may lalim na 1 kilomentro ang nasabing pagyanig.

Justice for Fr. Pops Movement, dismayado sa mabagal na paggulong ng kaso

(Arakan, North Cotabato/ July 25, 2013) ---Isinagawa kahapon sa bayan ng Arakan ang Clarificatory hearing hinggil sa nangyaring pagpaslang kay Father Fausto Tentorio PIME.

Sa panayam ng DXVL News kay Justice for Fr. Pops Movement Leader Father Peter Geremia, tinawag ng bagong Regional Prosecutor na si Atty. Al Calica ang mga akusado, testigo at mga abogado kapwa mula sa dalawang kampo para dumalo sa nasabing ocular inspection at clarificatory hearing.

Search and Rescue Operation sa 1 pang nalunod na grade 5 pupil, magpapatuloy ngayong araw

(Kabacan, North Cotabato/ July 25, 2013) ---Nagpapatuloy na sa mga oras na ito ang search and retrieval operation ng Kabacan Rescue Team ng Disaster Risk Reduction Management Council sa Kabacan river matapos na missing pa rin kahapon sa isinagawang paggalugad ng MDRRM ang isa pang grade 5 pupil matapos na malunod sa Kabacan river, na itinuturing na killer river.

Ayon kay MDRRMC Officer David Don Saure, pansamantala nilang inihinto ang search and rescue operation alas 6:30 kagabi dahil sa madilim na ang paligid.

VAWC cases, di maaring i-areglo ng tanggapan ng MSWDO

(Kabacan, North Cotabato/ July 24, 2013) ---Matapos ang balitang bumaba ang kaso ng Violence Against Women and Children o VAWC sa bayan ng Kabacan.

Iginiit naman ni Social Welfare Officer Susan Macalipat sa DXVL News na ang nasabing kaso ay di maaring i-areglo.

P5 M pondo inilaan para sa isang FMR sa Midsayap, North Cotabato

(Midsayap, North Cotabato/ July 24, 2013) ---Abot sa limang milyong piso ang inilaang pondo para ipatupad ang konstruksyon ng Sadaan- Sta. Cruz- Bitoka Farm-to-Market Road sa bayan ng Midsayap, North Cotabato.

Ito ang kinumpirma ng tanggapan ni North Cotabato 1st District Rep. Jesus Sacdalan sa katanungan ng ilang residente sa mga nabanggit na barangay kung kailan sisimulan ang pagsasaayos ng kalsada sa kanilang lugar.

Kaso ng VAWC sa Kabacan, bumaba ngayong taon

(Kabacan, North Cotabato/ July 24, 2013) ---Malaki ang ibinaba ng kaso ng Violence Against Women and Children o VAWC sa bayan ng Kabacan ngayong taon.

Ayon kay Social Welfare Officer Susan Macalipat ang pagbaba umano ng bilang ng nasabing kaso ay dahil sa kanilang adbokasiya at sa tulong ng brgy. Council.

Mga indigent na residente ng Kabacan, may libreng Kabaong at balsamo

(Kabacan, North Cotabato/ July 23, 2013) ---Limang pamilya na ang naging benepisyaryo ng libreng kabaong at balsamo na programa ng Pamahalaang Lokal ng Kabacan para sa mga indigent na residente ng bayan.

Sinabi sa DXVL Radyo ng Bayan ni Mayor Herlo Guzman, Jr. na bahagi ito ng kanilang programa ng LGU Kabacan bilang tulong sa mga mahihirap na residente ng bayan na di kayang mabigyan ng disenteng libing ang kanilang mga kamag-anak.

Ikalawang araw na Registration para sa SK at Barangay election sa Comelec Kabacan, dinagsa!

(Kabacan, North Cotabato/ July 23, 2013) ---Dinagsa ang ikalawang araw na registration para sa SK at Barangay election ng mga nagpaparehistro sa Commission on elections o Comelec Kabacan.

Ayon kay Acting election Officer Gideon Falcis nakasechedule kasi ngayong araw ang brgy Kayaga at Magatos kungsaan karamihan sa mga nagpaparehistro ay mga bagong botanteng mga kabataan.

13-anyos na bata, sugatan sa nangyaring sunog sa Carmen, North Cotabato

(Carmen, North Cotabato/ July 23, 2013) ---Sugatan ang isang 13-anyos na bata matapos na masunog sa nangyaring sunog sa Poblacion, Carmen, North Cotabato pasado alas 11:00 kaninang umaga.

Sa interbyu ng DXVL Radyo ng Bayan kay Fire Senior Inspector Ibrahim Guiamalon hindi umano namalayan ng naglagay ng gasolina sa tangke ng Shell Station na pag-mamay-ari ng Pamilya Taliño  na tumagas na ang gasolina hanggang sa umapaw na ito sa kanal.

Magkahiwalay na kaso ng nakaw motorsiklo, naitala sa Kabacan PNP

(Kabacan, North Cotabato/ July 23, 2013) ---Dalawang kaso ng nakaw motorsiklo ang naitala sa Kabacan PNP sa nakalipas na 24 kwatro oras.

Batay sa blotter log book, unang tinangay ng mga di pa nakilalang mga salarin ang motorsiklo ng isang USM student na kinilalang si Abdulgani Salidubpong Esmael, 24-anyos, residente ng Brgy. Bulit, Datu Montawal, Maguindanao.

AFP; patuloy na nagbabantay sa National Highway ng Matalam, matapos ang nangyaring girian sa lugar

(Matalam, North Cotabato/ July 23, 2013) ---Patuloy ngayon ang ginagawang pagbabantay ng mga sundalo at pulisya sa kahabaan ng National Highway ng Matalam, partikular na sa bahagi ng Manubuan, matapos na muling sumiklab ang bakbakan ng dalawang naglalabang grupo nitong linggo ng umaga.

Sa panayam ng DXVL News kay Army’s Spokesperson Captain Anthony Bulao, bagama’t humupa na kahapon ang engkwentro ng MILF at MNLF sa erya, patuloy ang kanilang monitoring sa lugar ito dahil sa nangangamba ang militar na baka muling aatake naman ang MILF.

SONA ni Pnoy; bagsak sa Kabataan Partylist sa North Cotabato

(Kabacan, North Cotabato/ July 23, 2013) ---Bagsak ang grado ng Pangulong Aquino sa katatapos na State of the Nation Address o SONA nito mula naman sa hanay ng mga progresibo at militanteng Kabataan dito sa North Cotabato.

Ayon sa tagapagsalita ng Kabataan Partylist North Cotabato chapter Jamelon Ariraya, gradong tres lamang ang ibinigay nilang marka sa Pangulo.

Ilang mga lokal na opisyal ng Kabacan, minarkahan ng 8 ang SONA ni Pangulong Aquino

(Kabacan, North Cotabato/ July 23, 2013) ---Kung sa larangan ng Agrikultura, pasado ang naging State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Aquino sa ilang mga opisyal ng Kabacan.

Ito dahil sa binigyan ni councilor Jonathan Tabara ng markang 8 si Pnoy.

Pnoy: SONA 2013

(SONA/ July 22, 2013) ---Bise Presidente Jejomar Binay; Senate President Franklin M. Drilon; Speaker Feliciano Belmonte, Jr.; Chief Justice Maria Lourdes Sereno at ang ating mga kagalang-galang na mahistrado ng Korte Suprema; mga dating Pangulong Fidel Valdez Ramos at Joseph Ejercito Estrada; mga kagalang-galang na kagawad ng kalipunang diplomatiko; mga miyembro ng Senado at Kamara de Representante; mga opisyal ng lokal na pamahalaan; mga miyembro ng Gabinete; mga unipormadong kasapi ng militar at kapulisan; mga kapwa ko nagseserbisyo sa taumbayan; at sa aking mga Boss, ang mga minamahal kong kababayan: Magandang hapon po sa inyong lahat.

1 sugatan sa muling pagsiklab ng engkwentro ng MILF at MNLF sa Matalam, North Cotabato

(Matalam, North Cotabato/ July 22, 2013) ---Nagsilikas ang mahigit sa 30 pamilya makaraang muling sumiklab ang engkwentro sa pagitan ng MILF at MNLF sa may Purok 5, Km 102, Brgy. Manubuan, Matalam, Cotabato kahapon.

Sa report na ipinarating sa DXVL News ni SPO1 Froilan Gravidez ng Matalam PNP, nagsimula ang sugapaan ng dalawang naglalabang grupo alas 7:45 ng umaga kahapon.

Mga Progresibo at Militanteng grupo sa Kabacan, magsasagawa ng kilos protesta hinggil sa gagawing SONA ni Pnoy

(Kabacan, North Cotabato/ July 22, 2013) ---Ilang oras bago ang gaganaping State of the Nation Address at ang pagbubukas ng regular na session ng 16th congress ngayong araw, sasalubungin naman ng kilos protesta ng mga progresibo at militanteng grupo dito sa bayan ng Kabacan ang nasabing aktibidad.

Sa panayam ng DXVL News sa tagapagsalita ng LFS-North Cotabato na si Jamelon Ariraya, nakatakdang magsagawa ng militansiyang pagkilos ang kanilang grupo ala 1:00 ng hapon sa loob ng University of Southern Mindanao, USM Main campus.

Taxi na kinarnap sa Davao, narekober sa Kidapawan City

(Kidapawan City/ July 22, 2013) ---Narekober ng Kidapawan City PNP ang kinarnap na taxi sa Davao city sa bahagi ng Sitio Pagagao, Patadon, Kidapawan City noong Sabado ng umaga.

Sa panayam ng DXVL News kay Supt. Leo Ajero, hepe ng Kidapawan City PNP nakatanggap umano sila ng intel report buhat sa Davao city na may kinarnap na Hyundai Midvalley taxi na kulay puti na may plate number LXA 904 na dinala sa bahagi ng North Cotabato.

NUJP Cotabato chapter, magsasagawa ng talent Showdown for a Cause

(Kidapawan City/ July 22, 2013) ---Ilulunsad ng National Union of Journalist of the Philippines o NUJP North Cotabato chapter ang North Cotabato Got Talent, ang talent showdown for a cause.

Sinabi ni NUJP North Cotabato Pres. Malu Cadaliña Manar na gagawin ang nasabing aktibidad sa Setyembre a-28 ng taong kasalukuyan layon ay para mabigyan ng scholarship sa pag-aaral ang mga anak ng mga pinatay na mamamahayag.

Habal-habal driver, patay sa pananaksak sa Carmen, North Cotabato

(Carmen, North Cotabato/ July 22, 2013) ---Patay ang isang 25-anyos na habal-habal drayber makaraang pagsasaksakin ng dalawang di pa nakilalang mga salarin sa Brgy. Langogan, Carmen, North Cotabato 10:30 kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng Carmen PNP ang biktima na si Datukon Usman, may asawa at residente ng Brgy. Nasapian ng nasabing bayan.