(Kabacan,
North Cotabato/ July 24, 2013) ---Matapos ang balitang bumaba ang kaso ng
Violence Against Women and Children o VAWC sa bayan ng Kabacan.
Iginiit
naman ni Social Welfare Officer Susan Macalipat sa DXVL News na ang nasabing
kaso ay di maaring i-areglo.
Maliban na
lamang kung sa lebel ng mga nagrereklamo ay gusto na nilang resolbahin ang
gusot.
Halimbawa sa
mga nag-aaway na mag-asawa dapat munang pakinggan ang bawat isa at mag-usapan
nila ito.
Sinabi pa ng
opisyal na may karapatan ang mga kababaihan at di dapat sinasaktan at inaabuso
ang mga ito.
Mawawala din
umano ang respeto ng mga anak sa kanilang magulang kung sinasaktan at paulit
ulit na inaabuso lalo na ng mga mister ang kanilang Misis.
Sinabi ni
Macalipat na hindi na umano ito magmamahal kung pagbubuhatan na ng kamay ng
lalaki ang isang babae.
Iginiit pa nito
na ang pag-aasawa ay dapat na i-nurture. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento